▼
Saturday, March 16, 2019
Ostrich farm sa bayan ng Kalibo bagong atraksiyon sa Aklan
KALIBO, AKLAN - Nagiging atraksiyon ngayon sa lalawigan ng Aklan ang isang ostrich farm sa Brgy. New Buwsang, Kalibo.
Ayon sa may-ari at negosyanteng si Ramon Dio, may 23 siyang malalaking ostrich na inaalagaan maliban pa sa mga sisiw.
Nasa isang taon narin umano siyang nag-aalaga ng ostrich dito. Nagsimula lamang umano siya sa dalawa.
Ngayong dumarami na ito at nagiging atraksiyon na sa mga Aklanon at iba pa nais niyang ilipat ito ng mas malawak na lugar.
May nag-aalok umano ng lupa sa kanya doon sa Brgy. Caticlan, Malay pero nais din niya na sa malapit o nasa Kalibo lamang.
Nanawagan siya sa mga interesadong magpagamit ng kanilang lupa para maging komportable naman sa publiko at mga alaga niya.
Aniya hindi niya ibinibenta ang mga malalaking ostrich. Ibinibenta umano niya ang mga itlog at mga sisiw.
Maliban sa mga ostrich makikita rin sa kanyang bakuran ang iba pang mga hayop gaya ng civet cat, ilang uri ng parrot, mga uri ng uso, at peacock.
Ang kanilang farm ngayon ay sa harap lamang ng Camp Pastor Martelino. Wala pa umanong entrance sa ngayon at naniningil lamang sila sa gustong magpakain ng mga ostrich.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Friday, March 15, 2019
PCCI-Aklan may panawagan sa kumakandidato sa pagkagobernador
MAY PANAWAGAN ang opisyal ng Philippine Chamber of Commerce
and Industry (PCCI) – Aklan sa mga kumakandidato sa pagkagobernador kaugnay ng
isyu sa mahinang suplay ng tubig ng Metro Kalibo Water District (MKWD)
Sa ginanap na joint committee hearing sa Sangguniang
Panlalawigan nitong Martes sinabi ni Jose Mari Aldicoa, Vice President ng
PCCI-Aklan, sa mga miyembro ng komitiba na iboboto nila ang kandidato na
pipiliin ang kanilang nominee para kumatawan sa business sector ng MKWD.
Ikinadisdismaya ng grupo na sa 18 taon ay wala umanong napili
sa kanilang organisasyon gayong palagi naman silang nagsusumite ng nominee nila
sa tanggapan ng gobernador bilang appointing authority.
“We can approach any of the gubernatorial candidates and say
promise us that our nominees will be appointed [as board of director of MKWD]
and we will campaign for you,” pahayag ni Aldecoa.
“I think we have at least 5,000 registered voters including relatives
of our employees who can help the election of any such gubernatorial candidate.
Okay ba yon? Kasi for the first time then business sector will be truly
represented which never happened.”
Pangiti namang sumagot si Vice Governor Reynaldo Quimpo na
presente sa naturang pagdinig at sinabi niyang maaari itong iparating ng kanilang grupo sa mga kandidato at maiintindihan umano nila ito.
Ayon kay Ramil Buncalan, presidente ng organisasyon, sa
parehong pagdinig, ang pagkakaroon ng kinatawan mula sa kanilang grupo bilang
rehistradong business organization sa Kalibo at sa buong Aklan ay para aniya
makatulong rin sa paglutas sa problemang ito na kinahaharap ng MKWD.
Umaasa sila na sa susunod na administrasyon ay mapipili ang kanilang nominee sa MKWD board.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Mangingisda sa Tangalan dalawang araw nang nawawala sa karagatan
PATULOY NGAYONG pinaghahanap ng pamilya at ng mga rescuers ang isang mangingisda sa bayan ng Tangalan na dalawang araw nang nawawala.
Kinilala sa ulat nga kapulisan ang biktima na si Jeno Panagsagan y Tapispisan, 26, residente ng Brgy. Afga sa nasabing bayan.
Batay sa ulat ng Tangalan PNP, umalis umano si Jeno ng bahay dakong alas-6:00 ng gabi noong Marso 13 para mangisda kasama si Aljun Trasmil na isang pipi.
Nabatid na dakong alas-11:00 ng gabi ay umuwi na si Aljun sa kanilang bahay pero kinabukasan pa umano nagsumbong na nawawala ang kanyang kasama sa bangka.
Paniwala ng pamilya, posibleng inatake ng
sakit na epilepsy si Jeno at nahulog sa bangka. Posible rin umanong natakot ang kanyang kasama na tulungan ito dahil malakas ang alon.
Agad nagsagawa naman ng search and rescue operation ang mga tauhan ng MDRRMO Tangalan subalit nabigo silang matagpuan ang mingingisda.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Animal welfare advocate pinakakasuhan ang pumatay kay "Bella"
PINAKAKASUHAN NI Animal Kingdom Foundation Inc. president Greg Quimpo ang pumatay sa asong si "Bella" sa Brgy. Laguinbanwa West Huwebes ng umaga.
Sa kanyang facebook Huwebes ng gabi hinikayat ni Quimpo si Kenneth Ang, may-alaga ng naturang aso na isang Siberian Husky, na sampahan ng kaso ang pumatay sa aso.
"A dog's life for a mildly bruised chicken. What a shame," sabi niya sa kanyang facebook post. "Kenneth Ang, let us pursue this case. Give your dog, Bella, the dignity and justice she is worthy of."
Sinabi pa niya na may abogado na tutulong kay Ang para mapakulong ang pumatay sa aso. "Animal rights lawyer, Heidi Marquez of Animal Kingdom Foundation is assisting Kenneth to put in jail the scumbag who did this."
Mababatid na inamin ni John Española sa panayam ng Energy FM Kalibo na pinalo niya ng bara de kabra ang aso ng makalawang ulit hanggang sa ito ay mapatay.
Ito ay matapos umanong mapagkamalan ng kapatid niya na si Raymar na isang "aswang" o mabangis na lobo ang naturang aso na naabutan nilang nilalapa ang ilang panabong na manok na inaalagaan nila.
Ayon kay Kenneth Ang, nagising umano siya at napag-alamang nakawala umano sa kulungan sa kanilang bakuran ang aso at nang komprontahin ang kapitbahay ay nalamang pinatay nila ito.
Nabatid na inireklamo na ni Ang ang kaso sa Numancia PNP at inirefer ang kaso sa Katurungang Pambarangay ng Brgy. Badio.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Thursday, March 14, 2019
Isang Bar and Resto sa Kalibo ipinasara ng LGU dahil sa iba-ibang paglabag
IPINASARA NG pamahalaang lokal ng Kalibo ang Boracay Closure Bar and Resto sa Kalye Kulinarya sa Kalibo ngayong gabi sa kahabaan ng Veterans Avenue dahil sa iba-ibang paglabag.
Ayon kay PSupt Richard Mepania, wala umanong Mayor's Permit ang nasabing bar and resto. Maliban rito nakatanggap umano siya ng mga reklamo mula sa mga residente sa lugar na magdamag ang inuman dito at nag-iingay ang kanilang mga kostumer.
Aniya batay sa lokal na ordinansa dapat ay hanggang 11:30 lamang ang pagpapa-inom nila kumpara sa mga ibang bar na pwedeng magdamag dahil nakapinid ang kanilang mga establisyemento.
Napag-alaman na ang Boracay Closure ay nagrerenta lamang sa binakanteng pwesto ng Mugz and Wheel at hindi direktang nagbabayad sa munisipyo. Sa labas lamang ang inuman at malapit sa kabahayan.
Sinabi ni PSupt. Mepania na makailang ulit na umano silang binalaan niya at ng Municipal Economic Enterprise and Development Office (MEEDO) pero hindi parin umano sila sumusunod.
Ngayong araw ay naglabas ng atas si Mayor William Lachica na ipasara ang nasabing establisyemento batay sa rekomendasyon ng Kalibo PNP at ng MEEDO.
Isinerbe ni Supt Mepania ang closure order. Tinanggap naman ito ni Radesa Gelito ang nagmamay-ari ng nasabing bar and resto.
Si Gelito ay taga-Boracay at isa umano sa mga naapektuhan ng pagsasara ng Isla kaya minabuting lumipat dito sa Kalibo para ipagpatuloy ang negosyo at nasa ilang buwan nang nag-ooperate dito.
Ipinaligpit na ng kapulisan ang kanilang mga gamit at isinara ang nasabing pwesto at pinaskilan ng tarpaulin na nagsasabing "this establishment is hereby closed."##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Alagang aso inakalang aswang ng kapitbahay pinagpapalo patay
[2nd update] NUMANCIA, AKLAN - Isang alagang aso sa Brgy. Laguinbanwa West, Numancia ang pinatay ng kapitbahay matapos umanong mapagkamalang aswang.
Ang aso na isang eight-month old na husky ay alaga ni Kenneth Ang, isang negosyante.
Sa panayam ng Energy FM Kalibo nagising umano siya kaninang umaga at napag-alamang nawawala na sa kulungan ang aso.
Hinanap umano niya ito sa kapitbahay at sinabing inatake umano ng aso na si "Bella" ang mga alaga niyang manok at nagwawala roon.
Napagkamalan umano ito ng kapitbahay na aswang kaya niya ito pinagpapalo ng makailang ulit hanggang sa mapatay.
Ayon kay Raymar Española, nagising umano siya at naabutang nilalapa ng aso ang mga alagang pansabong na manok.
Sinubukan niya itong awatin subalit nanlaban umano ang aso. Inakala umano niya na isa itong aswang dahil sa mabangis at hindi pangkaraniwan niyang kilos.
Nanlaban din umano ang aso sa kuya nitong si John. Inamin naman ni John ang paghambalos ng bara de kabra sa aso ng makalawang beses.
Ipinakita ng magkakapatid na nagbabantay lamang sa mga manok ang tatlong pansabong na manok na may mga sugat sa likod. Nawawala rin ang pitong sisiw na posible umanong kinain ng aso.
Inilibing nila ang aso sa likod na bahagi ng kanilang bakuran bago pa naabutan nalaman ng may-ari na napatay nila ito.
Plano naman nilang makipag-ayos sa nag-alalaga ng aso.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Wednesday, March 13, 2019
Mga negosyante umalma sa mabagal na aksiyon ng prov'l gov't sa MKWD
UMALMA ANG ilang negosyante sa mabagal na aksiyon ng provincial government sa mahinang suplay ng tubig ng Metro Kalibo Water District (MKWD).
Sa committee hearing sa Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ikinadismaya ng ilang opisyal ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) - Aklan ang mabagal na aksiyon ng Sanggunian.
Matatandaan na una nang nagpasa ng resolusyon ang organisasyon ng mga negosyante na nagpepetisyon sa Sanggunian na usisain at bigyang tugon ang problema sa suplay ng tubig na Hulyo pa umano ng nakaraang taon nagsimula.
related story: Mga negosyante sa Aklan umaangal dahil sa mahinang suplay ng tubig ng MKWD
Nitong Martes ay pinatawag ng joint committee sa pangunguna ni Committee Chairperson on Energy and Utilities Board Member Nemisio Neron ang PCCI-Aklan para sa pagdinig.
Ikinadismaya nila na hindi kasamang ipinatawag ng komitiba ang MKWD para sana sumagot sa kanilang mga katanungan at mga hinaing.
Ipinaliwanag naman ni Board Member Dela Cruz na sumusunod lamang sila sa legislative process. Sinabi niya na may pending legislative inquiry pa ang parehong komitiba na kinasasangkutan rin ng parehong water provider.
Ayon kay Vice Governor Reynaldo Quimpo na presente rin sa hearing, hindi pa natutugunan ang problemang idinulog ng mga taga-Balete sa Sanggunian Hunyo pa ng nakaraang taon.
related story: "Poor water supply" ng MKWD sa bayan ng Balete iimbestigahan ng Sangguniang Panlalawigan
Iniimbestigahan rin aniya ng komitiba ang reklamo ng ilang residente kontra sa MKWD sa mga nakatiwangwang na mga pagbubungkal ng lupa sa ilang kabarangayan sa bayan ng New Washington.
Kaugnay rito nais ng komitiba na ireserba muna ng PCCI ang kanilang mga katanungan kung saan ipatatawag nila sa susunod na pagdinig ang MKWD para makaharap ng organisasyon.
Bago ang susunod na pagdinig ipinasusumite ng komitiba ang mga opisyal ng organisasyon ng mga dokumento gaya ng mga larawan at mga sinumpaang salaysay kaugnay ng kanilang reklamo.
related story: Mahina at malabong suplay ng tubig ng MKWD idinulog sa Energy FM Kalibo
Sinabi rin ni Vice Governor Quimpo na magpapatawag rin sila ng public hearing kaugnay ng reklamo sa mahina at malabong suplay ng tubig ng MKWD.
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Bus bumangga sa punong kahoy sa Ibajay, mga pasahero sugatan
KALIBO, AKLAN – Sugatan ang walo lahat na pasahero ng isang
bus liner matapos itong bumgga sa punong kahoy sa kahabaan ng national highway
sa Brgy. Colong-Colong, Ibajay kaninang umaga.
Batay sa paunang ulat ng Ibajay Municipal Police Station,
ang nasabing bus ay byaheng Culasi, Antique patungong Kalibo na direksyon nang
bumangga ito sa puno.
Batay sa paunang imbestigasyon ng kapulisan may iniwasan umanong tricycle ang bus at nawalan ito ng kontrol sa menamanehong sasakyan.
Batay sa paunang imbestigasyon ng kapulisan may iniwasan umanong tricycle ang bus at nawalan ito ng kontrol sa menamanehong sasakyan.
Ang mga nasugatan ay kinilalang
sina Paterna Rones, 62-anyos; Divine Elizabeth Rones, 15; parehong residente ng
Brgy. Agbago, Ibajay; Gina Pelispuro, 37; Adelydie Bacaluna, 59; parehong
residente ng Brgy. Bat-batan, Culasi, Antique; Juan Zoreen, 28 ng Sta. Fe,
Romblon; Jovelyn Solomon, 24 ng Patnongon, Antique; Oliver Bugoy, 26 ng Brgy.
Nauring, Pandan, Antique at Joseph Pateño, 51 ng Candari, Antique.
Ang mga nasagutan ay agad dinala
sa Ibajay District Hospital para sa kaukulang paggamot.
Tumakas umano ang driver at ang konduktor sa takot na kuyugin ng mga tao.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon
ng kapulisan sa aksidente.##
Sunflower farm sa Ibajay palalawakin, pagagandahin
photo Joesol Jazz Aragon |
Ayon kay Jesry Maquirang, may-ari ng farm, hindi umano niya inakala na dadagsain ito ng mga lokal at maging ng mga banyaga.
photo Joesol Jazz Aragon |
Sinabi niya na di pa sila nangongolekta ngayon ng entrance fee sa halip ay donasyon lamang para gamitin sa pagpapanitili sa lugar at sa sunflower.
Galing pa umano sa bansang Japan ang mga sunflower na ito na Japanese at American Giant variety.
Paliwanag ni Maquirang sa panayam ng Energy FM Kalibo, nagsimula lamang siya sa pagtatanim ng sunflower para mapaganda ang lugar papunta sa kanilang silk cocoon production.
Si Maquirang ay isang sericulture technician consultant ng Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA) sa ilalim ng Department of Agriculture.
Miyembro siya ng Ibajay Sericulture Farmer's Association. Naisip umano niya na pagandahin ang lugar para sa mga bumibisita nilang department head mula sa DA at sa Department of Trade and Industry.
Kaugnay rito naghahanda ngayon ang grupo ni Maquirang na mas pa nilang pagagandahin at palalawakin ang nasabing farm mula sa sangkapat lamang na ektarya at para bigyan ng komportableng pasyalan.
photo Joesol Jazz Aragon |
Nagpapasalamat rin siya sa mga guro at estudaynte ng Naisud National High School na tumulong sa paglandscape sa lugar.
Nabatid na nagsimulang maging viral ang sunflower farm matapos isang guro ng nasabing paaralan sabi niya ay nagpost ng mga larawan nito sa facebook.
Nakikipag-ugnayan ngayon si Maquirang sa lokal na pamahalaan para ma-develop ang lugar bilang isang agri-farm tourist area.
Hinikayat naman niya ang mga nais pa na pumunta hanggang Abril dahil matatapos na ang pamumulak ng mga sunnflower. Pwede aniyang pumunta doon tuwing alas-8:00 ng umaga haggang alas-5:00 ng hapon Lunes hanggang Linggo.
Maliban sa sunflower farm, atraksiyon din dito ang wind mill at ang silk cocoon production.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Tuesday, March 12, 2019
Lalaki arestado sa Makato sa pamimisil sa dibdib ng pinsang menor de edad
NAHAHARAP NGAYON sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 ang isang 36-anyos matapos siyang akusahan ng panghihipo sa menor de edad niyang pinsan.
Naganap ang insidente madaling araw ng Marso 9 sa bahay ng 14-anyos na biktima sa Brgy. Mantiguib, Makato.
Napag-alaman na taga-Brgy. Aranas, Balete ang suspek. Nakipag-inuman ito sa bahay ng kanyang tiyo sa Makato na ama ng biktima.
Dahil inabutan ng gabi at nasa impluwensiya na ng alak ay doon na natulog sa bahay ng biktima ang suspek.
Ginapang umano ng suspek ang natutulog na biktima at pinisil ang dibdib. Nagising ang biktima at sumigaw. Nagising rin ang iba pang miyembro ng pamilya at nagsumbong ang biktima.
Batay sa reklamo na inihain ng Makato PNP laban sa suspek nakasaad na nagdulot ng takot, at kawalan-dangal, at 'psychological distress. '
Agad nagsumbong sa kapulisan ang pamilya ng biktima at inaresto ng kapulisan ang suspek.
Kahapon ay sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 7610 o "Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act."##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Babae nanampal ng lalaking auxiliary police sa Boracay, arestado
ARESTADO ANG isang babae sa Isla ng Boracay matapos manampal ng Malay Auxiliary Police kahapon ng hapon sa front beach sa Station 1.
Kinilala ang suspek na si Rosemarie Visca y Enrique, 49-anyos, isang negosyante at residente ng Brgy. Yapak sa Isla ng Boracay.
Habang ang biktima ay kinilala namang si Carlos Magdaluyo Jr y Villaruel, 55, residente ng Sitio Bantud, Brgy. Manocmanoc sa nasabi ring Isla.
Nabatid na nagpapatupad ng mga lokal na ordinsa sa beach front ang auxiliary police nang pagsabihan niya ang suspek na itabi ang silya nito.
Nagwala umano ang babae at biglang sinampal ang auxiliary police sa kanyang mukha na nagdulot ng kasakitan sa kanya.
Nang usisain ang babae sa kanyang negosyo ay wala itong maipakitang kaukulanh permit. Hindi niya rin nilagdaan ang violation ticket na ibinigay sa kontra sa kanya.
Minabuti naman ng MAP na dalhin sa Malay PNP Station ang suspek para arestuhin. Posibleng maharap sa kasong Direct Assault Upon Person of Agent in Authority ang nasabing suspek.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Monday, March 11, 2019
Bar sa Kalibo sangkiri eang masunog
NASUNOG RO kitchen area it sangka bar sa Brgy. Poblacion, Kalibo rayang hapon.
Suno sa inisyal nga imbestigasyon ni SFO1 Julius Tiongson, nagaeaha it burger ro pila ka mga tawuhan it Mugz and Wheels resto bar tag matabu ro insidente.
Nagdaba-daba ro kusina it daya nga resto bar ag nag-umang ro pila ka mga tawo sa sueod it nasambit nga bar.
Eagi man nga nagkabuligan ro mga tinawo it resto bar, ginbasyaha it tubi, ag ginpapuslitan it fire extinguisher para mapaeong ro kaeayo.
Nagresponde man ro mga tawuhan it Bureau of Fire para magpatigayon it imbestigasyon sa lugar.
Suno kay Tiongson posible nga nagleak nga host it LPG ro kabangdanan it sunog.
Owa man it may nanihan sa insidente. Samtang ro estimated cause of damage hay Php4,000.
Tricycle nahueog sa kanae matapos banggaan it motor sa Kalibo
photo ctto |
Ginkilaea sa report it kapulisan ro driver it tricycle nga si Bella Alfaro, 51-anyos, residente it nasambit nga lugar.
Samtang ro motor hay ginamaneho man t-a ni Warlito Concepcion Jr, 26, taga-New Buswang sa parehas nga banwa.
Nasayuran sa report it taffic section it Kalibo PNP nagaliko pawaea ro tricycle tag matabu ro aksidente. Madasig sigon ro padaeagan it nagasunod nga motor ag nabangga imaw sa crankcase cover it tricycle.
Bangud kara nahueog ro tricycle sa kanae. Ro driver ag anang pasahero nga si Jancie Correjado, 40, taga-Caano, hay nakaangkon it lastro ag kasakitan sa nagkaeain-eain nga parte it eawas.
Gindaea ro daywa sa Provincial Hospital agud mabueong samtang ro mga eakot nga saeakyan hay temporaryo anay nga gin-impound it kapulisan.
Nagapadayon pa ro imbestigasyon it kapulisan.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo