▼
Friday, March 15, 2019
Animal welfare advocate pinakakasuhan ang pumatay kay "Bella"
PINAKAKASUHAN NI Animal Kingdom Foundation Inc. president Greg Quimpo ang pumatay sa asong si "Bella" sa Brgy. Laguinbanwa West Huwebes ng umaga.
Sa kanyang facebook Huwebes ng gabi hinikayat ni Quimpo si Kenneth Ang, may-alaga ng naturang aso na isang Siberian Husky, na sampahan ng kaso ang pumatay sa aso.
"A dog's life for a mildly bruised chicken. What a shame," sabi niya sa kanyang facebook post. "Kenneth Ang, let us pursue this case. Give your dog, Bella, the dignity and justice she is worthy of."
Sinabi pa niya na may abogado na tutulong kay Ang para mapakulong ang pumatay sa aso. "Animal rights lawyer, Heidi Marquez of Animal Kingdom Foundation is assisting Kenneth to put in jail the scumbag who did this."
Mababatid na inamin ni John EspaƱola sa panayam ng Energy FM Kalibo na pinalo niya ng bara de kabra ang aso ng makalawang ulit hanggang sa ito ay mapatay.
Ito ay matapos umanong mapagkamalan ng kapatid niya na si Raymar na isang "aswang" o mabangis na lobo ang naturang aso na naabutan nilang nilalapa ang ilang panabong na manok na inaalagaan nila.
Ayon kay Kenneth Ang, nagising umano siya at napag-alamang nakawala umano sa kulungan sa kanilang bakuran ang aso at nang komprontahin ang kapitbahay ay nalamang pinatay nila ito.
Nabatid na inireklamo na ni Ang ang kaso sa Numancia PNP at inirefer ang kaso sa Katurungang Pambarangay ng Brgy. Badio.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment