Saturday, July 06, 2019

Pitong bahay sa bayan ng Libacao; Php250K iniwang pinsala


LIBACAO, AKLAN - Apat na bahay ang naabu at tatlo ang bahagyang napinsala sa naganap na sunog sa Purok 3, Brgy. Poblacion sa bayang ito.

Ang mga bahay na naabu ay mga pagmamay-ari nina Felizardo Latorre at Rogelio Reprado; Arlon Pantoja; Andy Poe Villorente; at Ailenita Francisco.

Ang mga bahagyang nasunog ay mga bahay nina John Eric Felix, Milagros Pantoja, at Nelia Naig.
Ang mga bahay na ito ay yari sa mga mix materials.

Sa inisyal na imbistigasyon ni FO1 Hally Comita, arson investigator ng Libacao PNP, nagmula ang sunog sa bahay ni Rogelio Reprado.

Nabatid na walang tao sa bahay na ito nang maganap ang sunog na nagsimula dakong alas-12:00 ng tanghali.

Nagdeklara ng second alarm ang BFP-Libacao at humingi ng tulong sa ibang bombero. Rumesponde naman sa lugar ang mga bombero at firetruck ng Kalibo at ng Balete.

Tumagal ng mahigit isang oras bago tuluyang naapula ang sunog.

Nag-iwan naman ng nasa Php250,000 ang pinsala ng sunog. Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa insidente.

Patuloy pang inaalam ng BFP-Libacao ang sanhi ng sunog.##

Friday, July 05, 2019

PUV driver arestado sa drug buy bust operation sa bayan ng Kalibo


Arestado ang PUV driver na si Rowen Macario 33-anyos sa isinagawang drug buybust operation ng Kalibo Police sa New Buswang Kalibo, pasado alas 11:00 ng gabi.

Narecover umano sa suspek ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu, ₱8,000.00 kapalit ng buybust money, at isa pang sachet sa body search.

Si Rowen ay residente ng Brgy Lupo, Altavas Aklan.##

- Kasimanwang Archie Hilario, Energy FM Kalibo

Thursday, July 04, 2019

Drilon bats for creation of Boracay Development Authority

photo: Kasimanwang Darwin Tapayan / Energy FM Kalibo file

Senate Minority Leader Franklin M. Drilon on Wednesday sought the creation of Boracay Development Authority to manage and develop Boracay Island.

Drilon filed Senate Bill No. 17 as the Duterte administration approved the P25-billion Boracay Medium-Term Action Plan in a Cabinet meeting Monday night.

"The approval of the Boracay Medium-Term Action Plan is a significant development in our desire to restore Boracay as the most beautiful island in Asia," Drilon said.

Drilon said the approval of the action plan all the more calls for the immediate creation of Boracay Development Authority, saying that it is important to have an agency that can take over the management, development, regulation, protection and maintenance of the island, including its coastal and marine biodiversity.

He lamented how the current set-up failed in protecting Boracay Island leading to the degradation of the country's top tourist destination.

"It is apparent that Boracay has suffered from the governmental system currently in place. It has failed to provide the island with the protection and preservation that it needs," Drilon said in his explanatory note.

Drilon thus proposed the creation of Boracay Development Authority to operate, administer, manage, and develop Boracay Island.

Under Senate Bill No. 17, its Board of Directors will be composed of 15 members: one representative each from the Province of Aklan, the Municipality of Malay, and the three barangays comprising the island of Boracay, four representatives from the national government, three representatives for the business and investment sectors, and three representatives from local community organizations and/or non-government organizations.

Among the powers of the body are to formulate and implement short and long-term plans, issue permits, order the closure or suspension of a development or construction, or the cessation of operations of any going concern that are detrimental to Boracay Island.

It can also adopt and implement measures and standards for environmental pollution control, and construct, acquire, own, lease, operate, and maintain on its own of through partnership with the private sector the required infrastructure necessary in Boracay.

The President shall appoint a professional manager as administrator or general manager.

"We have made great strides in getting Boracay back on its feet," Drilon said, noting the significant improvements after the six-month closure of Boracay Island.

"With the recent restoration efforts, it has been shown that restoring Boracay to its old pristine glory is not impossible," he added.

"Creating the Authority would help ensure that the island will continue to exist with a functioning ecosystem, under a workable plan for sustainable development," he said.

Drilon concluded: "Boracay is a treasure not just of one municipality, province or region. It is a national treasure, the protection of which should be a national concern." / Senate of the Philippines

Mayor it Batan nag-organisa it kauna-unahang journalism program


SA PAGPANGUNA ni Mayor Rodell R. Ramos it banwang Batan ro Project RODELL (Rare Opportunities For Development thru Learning Literature) hay ginhiwat kahapon July 3, sa Batan Elementary School.

Umabot sa sobra 600 ro nagpartisipar halin sa Elementary ag Secondary schools sa banwa it Batan.
Ro Programa hay naga handom nga mabuligan ro mga pamatan-on, School-Paper Advisers mapanami ro Education Program sa Batan ag mataw-an it ihibaeo rayang mga inunga nahanugod sa tama nga impormasyon ag pagbalita. Daya naga suporta sa R.A. 7079 or Campus Journalism Act of 1991.

Si Hon. Mayor nagapati nga rayang mga inunga hay mabahoe gid ro maikabulig sa banwa sa maabot nga mga inadlaw kung sanda hay mahasa andang mga potensyal bukon eang it sa linya it sports pati man sa Akademiks.

Sa kabuligan it DepEd Batan sa panguna ni Mr. Rudy R. Magcope, District Supervisor ag ni Mayor Ramos, natuman du handom it mga inunga nga makahiwat man it training sa Journalism sa sarili nandang banwa.
Sa mensahe ni Mayor Ramos, 100% anang suporta sa programa ngara kaibahan ro mabaskog nga presensya ag suporta it bilog nga DepEd-Batan.

Madinaeag-on ro paghiwat it rayang programa kung siin gintambungan it trainers sa Journalism naghalin pa sa ibang lugar.

Raya hay isaea eamang sa mga programa it batang Mayor, nasayuran nga padayon du mga konstruksyon makaron sa rayang banwa. Naga handum imaw it progresibo nga banwa sa anang pag panguna.##

- photos and text contributed by J'Philip Lauron

Wednesday, July 03, 2019

EXCLUSIVE: Mahigit Php150K ibinalik ng 14-anyos na batang Aklanon sa isang Chinese


KALIBO, AKLAN - Nagsauli ng napulot na bag ang isang 14-anyos na #HonestAklanon na pagmamay-ari ng isang Chinese National laman ang mahigit Php150,000 halaga ng pera.

Kinilala ang bata na si LJ Alejandro, residente ng Brgy. Pook, Kalibo at Grade 8 student sa Kalibo Institute. Habang ang may-ari ng pera ay si Yihe Yhong, lalaki, 33-anyos.

Nakita ng bata ang pera sa public CR sa bisinidad ng Kalibo International Airport. Kasama ang kanyang nanay ay isinauli nila ito sa airport police.

Kuwento ni LJ sa panayam ng Energy FM Kalibo, nakita umano niya ang bag na naiwan sa loob ng CR nang iihi sana siya. Ibinigay niya sa kanyang barkada ang bag dahil sa takot niya at humingi ng tulong sa kanyang ina.

Binalikan ito ng kanyang ina na si Jean at ibinalik nilang dalawa sa kapulisan. Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumulog sa kapulisan ang may-ari.

Tuwang-tuwa ang Chinese national nang malamang naroon ang kanyang mga pera na kinabibilangan ng Philippine money at Yuan. Laman din ng bag ang iba pang gamit ng banyaga.

Nagpasalamat siya sa kabaitan ng bata at nagbigay ng pabuya sa kanya, sa kanyang ina at sa kanyang mga kaibigan.

Naganap ang insidente noong Hunyo 24 pasado alas-9:00 ng gabi.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Misis na una nang naibalitang nawawala natagpuang wala nang buhay sa Malay

NAAAGNAS NA na bangkay nang matagpuan si Evelyn Sombilon ng Brgy. San Isidro, Ibajay matapos itong mawala noon pang Hunyo 25.

Ayon sa kanyang anak na si Roque Sombilon, natagpuan ng mga residente ang bangkay ng kanyang ina sa Brgy. Sambiray sa bayan ng Malay hapon ng Martes.

Sinabi niya na isasailalim pa sa post mortem ang bangkay ng ina para malaman kung ano ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Nabatid na umalis noong Hunyo 25 ang 59-anyos na misis sakay umano ng van patungong Brgy. Caticlan, Malay saka sumakay ng tricycle patungong bayan.

Huli umano siyang nakita ng mga tao Hunyo 26 sa Brgy. Caticlan.

Ayon sa anak, pinatingin umano nila ang ina sa Manila at sinabi ng doktor na mayroon itong Alzheimer's disease o maagang pagkawala ng memorya.

Ayon sa kanyang anak, dalawa lamang silang mag-asawa sa kanilang bahay.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo

Tuesday, July 02, 2019

DepEd-Aklan pinagsusuot ng mahahaba ang mga estudyante kontra dengue

PINAHIHINTULUTAN NA ang mga bata sa Aklan na magsuot ng mahabang mga kasuotan bilang proteksyon sa mga lamok sa pagpasok sa klase.

Isa ito sa mga hakbang ng DepEd-Aklan batay sa inilabas na memoradum ngayong araw para masugpo ang sakit na dengue.

Narito ang kopya ng memo:


- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo

Ilang estudyante sa isaang paaralan sa Batan ang sinapian umano


BATAN, AKLAN - Iniimbestigahan pa ng pamunuan ng Bay-ang Mapag-ong National High School ang umano'y insidente ng sapi sa kanilang paaralan.

Ayon kay Ramar Baladjay, principal ng paaralan, nasa anim umano ang pinaniniwalaang sinapian na pawang mga babae.

Tumanggi si Baladjay na magparecorded interview sa Energy FM Kalibo news team na personal na nagtungo sa kaniyang tanggapan pero sinabi niya na iniimbestigahan pa nila ang nangyari.

Nabatid na naganap ang insidente araw ng Lunes sa kasagsagan ng klase. Pero sinabi ng punong-guro na hindi magkasabay na "sinapian" ang anim.

Pinabulaan rin ng principal sa news team ang ulat na may suspensyon ng klase sa nasabing araw.

Oobserbahan umano nila ang mga nasabing estudyante sa mga susunod na araw. Kakausapin rin umano nila ang magulang ng mga dalaga hinggil sa kanilang kalusugan.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Monday, July 01, 2019

Mayor Navarosa acquitted from criminal case filed by former college administator


LIBACAO, AKLAN - Mayor Charito I. Navarosa of Libacao, Aklan was acquitted from Criminal Case No. SB-13-CRM-0123, For: Unlawful Appointments (Article 244) of the Revised Penal Code by virtue of the decision rendered by the Sandiganbayan, 2nd Division last April 5, 2019.

The case was filed against him by Dr. Arturo I. Zonio, former College Administrator of the Libacao College of Science and Technology (LCST) at the Office of the Ombudsman Visayas for appointing Paterno D. Turang, Jr. as College Administrator of the Libacao College of Science and Technology (LCST) last July 11, 2011, in his capacity as the concurrent chairperson of the college.

The complainant accused him alleging that the appointee, Paterno D. Turang, Jr. was not qualified to the position as per Ordinance # 005-04, series of 2004, and that he was a losing vice mayoralty candidate in the May 2010 elections, where the appointment was made within the one year period after losing the elections, which is prohibited based on Section 6, Art. 1X-B of the 1987 Constitution, and other pertinent laws
The Sandiganbayan proclaimed that the accused Mayor Navarosa was "presumed to have acted in good faith when he depended upon the assurance of his subordinate."

The court further averred that the prosecution miserably failed to discharge its burden of establishing Mayor Navarosa's guilt beyond reasonable doubt.

Mayor Navarosa served as municipal mayor of Libacao, Aklan for 15 years and as vice mayor for 3 years. He was re-elected as municipal mayor of the same town in the recently-concluded national and local elections, and will continue to serve for another 3 years.

- Rey Orbista / LGU Libacao

Bautista, Cawaling parehong nakaupong mayor sa Malay


MALAY, AKLAN - Pormal nang nanumpa si Vice-Mayor Fromy Bautista bilang acting mayor ng Malay ngayong umaga.

Sa kabilang banda, sinabi ni Mayor Ceciron Cawaling na hindi siya bababa sa pwesto.

Mababatid na ngayong umaga ay isinerbe personal ni Municipal Local Government Operation Officer Mark Delos Reyes ang advisory mula Department of Interior and Local Government 6 na nagpipigil kay Cawaling na umupo bilang alkalde.

Sa isang media interview, sinabi ni Cawaling na lahat ng official function ay ipapaubaya naman niya kay Bautista pero mananatili umano siya sa kanyang tanggapan dahil inihalal siy ng taumbayan.

Matatandaan na idinismis sa serbisyo ang alkalde noong nakaraang termino dahil sa mga kasong kinahaharap niya kaugnay sa krisis sa Isla ng Boracay.

Sa kabila nito nakapaghain siya ng kandidatura at pinayagang tumakbo at muling inihalal ng taumbayan bilang alkalde.

Naniniwala si Cawaling na hindi pa final ang desisyon sa kanyang kaso dahil mayroon pa siyang inihaing Motion for Reconsideration sa Ombudsman.

Ayon naman kay Bautista, temporaryo lamang ang kanyang pag-upo at walang problema sa kanya kung hindi bababa sa pwesto si Cawaling.

Sinabi ni bagong sumpang Acting Mayor Bautista na ang number 1 Sangguniang Bayan member na si NiƱo Cawaling naman ang pansamantalang hahalili sa kanyang pwesto bilang bise alkalde.

Si Cawaling at Bautista ay magkasamang tumakbo bilang isang grupo noong nakaraang eleksyon.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Sunday, June 30, 2019

Mayor Cawaling balik opisina matapos muling mahalal sa pwesto


BALIK OPISINA si Mayor Ceciron Cawaling bilang alkalde ng Malay dakong alas-12:01 ng tanghali kanin kasunod ng muling pagkahalal niya sa pwesto.

Matatandaan na noong Abril 15, 2019 ay nagbaba ng desisyon ang Ombudsman na i-dismiss sa serbisyo si Cawaling bilang alkalde dahil sa mga kaso kaugnay ng kapabayaan sa Isla ng Boracay.

Ang desisyon ay lumabas anim na buwan matapos makapaghain ng kandidatura si Cawaling at pinalad siya sa eleksyon sa parehong pwesto.

Sa kanyang pag-upo sa pwesto ipinakita niya sa mga media ang mga dokumento na nagpapatunay umano na pwede siyang umupo sa katungkulan.

Kabilang sa mga dokumentong ito ay ang proklamasyon ng Comelec na nanalo siya sa eleksyon, ang panunumpa niya sa katungkulan.

Naglabas rin siya ng memoradum sa lahat ng mga department head ng munisipyo na nagsadabing umupo na siya bilang alkalde.

Sa kabila nito, batay sa advisory ng Department of Interior and Local Government Region 6 na nitong Hunyo 17, hindi umano pwedeng gamitin ang Aguinaldo at Condonation Doctrine.

Nanindigan ang DILG 6 na executory at epektibo parin ang decision ng Ombudsman matapos iserbe sa kanya ang dismissal sa pwesto noong Abril 24.

Samantala, sa panayam kay Malay Municipal Local Government Operation Officer Mark Delos Reyes, hindi nila tatanggapin ang pag-upo ni Cawaling at maging ano mang nilagdaan niyang mga dokumento ay magiging walang saysay.

Hihintayin pa umano ng kampo ni Cawaling ang hard copy ng advisory ng DILG.

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

DILG advisory: hindi pauupuin si Cawaling bilang alkalde ng Malay

file photo
MALAY, AKLAN - Ilang oras nalang at uupo na sa pwesto ang mga bagong halal na mga opisyal ng gobyerno pagsapit ng 12:00 ng tanghahli ngayon araw. Pero iba ang sitwasyon dito sa bayan ng Malay.

Naglabas ng Advisory ang DILG 6 na hindi muna pauupoin si Malay Mayor-elect Ceciron Cawaling kaugnay ng kanyang dismissal order sa pwesto bilang alkalde ng Malay.

Mababatid na noong Abril 15, 2019 ay nagbaba ng desisyon ang Ombudsman na i-dismiss si Cawaling bilang alkale dahil sa kapabayaan umano sa Isla ng Boracay.

Naghain ng Motion for Reconsideration ang kampo ng alkalde pero wala pang resulta. Sa kabila nito, nanalo si Cawaling sa katatapos lang na eleksyon.

Kaugnay rito, sinabi ng DILG 6 sa advisory nitong Hunyo 27 na dapat ay temporaryo munang ibakante ang tanggapan ng alkalde.

Ayon pa sa advisory ang uupong alkalde ay ang bise-alkalde, at ang pinakamataas na opisyal ng Sangguniang Bayan member ang uupo naman sa pwesto ng bise-alkalde.

Sa nakalap na impormasyon ng Energy FM Kalibo, wala pang natanggap na advisory si Cawaling at itutuloy umano ng kanyang kampo ang inagurasyon ngayong araw.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo