▼
Saturday, July 06, 2019
Pitong bahay sa bayan ng Libacao; Php250K iniwang pinsala
LIBACAO, AKLAN - Apat na bahay ang naabu at tatlo ang bahagyang napinsala sa naganap na sunog sa Purok 3, Brgy. Poblacion sa bayang ito.
Ang mga bahay na naabu ay mga pagmamay-ari nina Felizardo Latorre at Rogelio Reprado; Arlon Pantoja; Andy Poe Villorente; at Ailenita Francisco.
Ang mga bahagyang nasunog ay mga bahay nina John Eric Felix, Milagros Pantoja, at Nelia Naig.
Ang mga bahay na ito ay yari sa mga mix materials.
Sa inisyal na imbistigasyon ni FO1 Hally Comita, arson investigator ng Libacao PNP, nagmula ang sunog sa bahay ni Rogelio Reprado.
Nabatid na walang tao sa bahay na ito nang maganap ang sunog na nagsimula dakong alas-12:00 ng tanghali.
Nagdeklara ng second alarm ang BFP-Libacao at humingi ng tulong sa ibang bombero. Rumesponde naman sa lugar ang mga bombero at firetruck ng Kalibo at ng Balete.
Tumagal ng mahigit isang oras bago tuluyang naapula ang sunog.
Nag-iwan naman ng nasa Php250,000 ang pinsala ng sunog. Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa insidente.
Patuloy pang inaalam ng BFP-Libacao ang sanhi ng sunog.##
No comments:
Post a Comment