▼
Monday, February 25, 2019
Mamamahala sa Kalibo Ati-atihan Festival palaisipan pa
SINO NA ang mamamahala sa Kalibo Ati-atihan Festival sa susunod na taon? Ito ang tanong ng mga media sa financial report ng Kalibo Sto. Niño Ati-atihan Festival Inc. (Kasafi) araw ng Sabado.
Kasunod ito ng pag-amyenda ng foundation ng kanilang pangalan bilang Aklan Cultural Association Foundation Inc. (ACAF) at maging ng kanilang layunin.
Ipinakita ni dating Kasafi Chairman Albert Meñez sa mga media at mga stakeholder sa nasabing okasyon ang sertipiko ng rehistro ng foundation sa SEC na pinirmahan noong Pebrero 15.
Ipinaliwanag ni Meñez na ang kanilang desisyon ay kasunod ng pag-expire ng siyam na taong Memorandum of Agreement ng foundation at ng pamahalaang lokal ng Kalibo.
Sinabi pa niya na ang layunin ngayon ng foundation ay ang pagbutihin ang kulturang Aklanon para makilala sa bansa at maging sa buong mundo.
Sa kabila nito sinabi ni Meñez na aalalay parin sila sa kung sino man ang hahawak ng Ati-atihan festival ng Kalibo sa mga susunod na taon.
Inaasahan na kung walang kaparehong pribadong organisasyon na hahawak sa festival ay ang munisipyo muna ang magpapalakad ng itinuturing na "The Mother of All Philippines Festivals".
Samantala, sa financial report sinabi ni Meñez na nakalikom sila ng Php5,518,005 nitong Ati-atihan 2019. Pinakamalaki rito ang mula sa sponsorship na mahigit Php4 million.
As of January 31 ang cash on hand ng foundation ay Php2,200,031. Mananatili umano ang perang ito sa ngayon ay ACAF Inc pati na ang mga kagamitan nila sa dating Kasafi.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment