▼
Tuesday, January 29, 2019
Municipal agriculturist pinabulaanan na may nahuling dolphin sa bayan ng Malay
PINABULAANAN NG municipal agriculturist office (MAO) ang kumakalat na facebook post na may nahuling dolphin sa bayan ng Malay.
Ayon sa agriculturist na si Denric Sadiasa ang mga larawan ng dolphin sa nasabing facebook post ay kuha pa noong December 3, 2016 sa Brgy. Caticlan.
Napadpad umano sa tabing dagat malapit sa Caticlan jetty port ang naturang dolphin at patay na. Ibiniyahe ito ng mga Bantay Dagat sakay sa isang tricycle at inilibing sa Sitio. Tabon.
Lumabas din sa pagsisiyasat ng kanilang tanggapan na ang tricycle na makikita sa mga larawan na kinargahan ng dolphin ay pagmamay-ari ng isa sa mga tauhan ng Bantay Dagat.
Napag-alaman na ang taong nakaapo sa loob ng tricycle sa mga larawan ay isa pang miyembro ng Bantay Dagat sa bayan ng Malay.
Inamin ng 20-anyos na babae ang kanyang pagkakamali at humingi ng tawad sa mga otoridad.
Napag-alaman na nadaanan lamang niya ang tricycle na may kargang dolphin at kinuhanan ito ng larawan. Kagabi ay na nakita umano niya sa memory ng kanyang cellphone ang mga larawan at naingganyong ipost ito.
Nilagyan niya ito ng caption na "dakop ka gid" o "huli ka" ang facebook post bagay na umani ng mga negatibong reaksiyon.
Bagaman binura na ng babae ang kanyang post mabilis ito nascreenshot ng ibang mga netizen at ipinost sa social media hanggang sa makarating ito sa tanggapan ng MAO.
Pinatawad ng opisyal ang nagpost.##
No comments:
Post a Comment