▼
Saturday, May 18, 2019
19-anyos na babae hinold-up sa Kalibo; cellphone at pera natangay
HINOLDAP NG di pa nakikilalang suspek ang 19-anyos na si Miradel Baltazar sa Andagao, Kalibo, alas 11:00 pasado ng gabi. Tinangay ng dalawang suspek ang cellphone at pera ng biktima!
Sakay umano ng motorsiklo si Baltazar patungong Tinigaw para sunduin ang kanyang ate nang harangin ng dalawang suspek sa R. Fernandez St. Capitol Site Andagao, Kalibo. Tinutukan raw ng baril ng mga suspek ang biktima at pilit kinuha ang cellphone at perang nagkakahalaga ng ₱2,000.00.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP.##
- Kasimanwang Archie Hilario, Energy FM Kalibo
Dalawa arestado sa buybust operation sa Kalibo
photo contributed by Kagawad Kim Melgarejo |
ARESTADO ANG dalawang bading na ito sa drug buybust operation sa Kalibo, Aklan ngayong umaga!
Kinilala ang mga suspek na sina Jonathan Namayan y Baltazar alias "Atan" na taga Brgy. Pob., Kalibo, Aklan at Errol Eugenio y Lascano tubong San Rafael, Camarines Sur, at naninirahan na sa Capitol Site, Brgy. Estancia, Kalibo, Aklan.
Nakuha sa kanila ang dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu kapalit ng buy bust money na ₱3,000.00.
Naisagawa ang buy bust operation sa harap mismo ng brgy Hall ng Poblacion, Kalibo.
- Kasimanwang Archie Hilario, Energy FM Kalibo
Friday, May 17, 2019
Matandang babae nabundol ng motorsiklo habang tumatawid sa highway sa Banga
contributed photo by Randy Nacuspag |
Kinilala sa ulat ng Banga PNP ang nasabing matanda na si Loresita Maagma y Montuya, residente ng Daja Norte sa parehong bayan.
Batay sa paunag imbestigasyon ni PSSgt. Spencer Dela Cruz, tatawid sana sa kalsada ang nasabing matanda nang mabundol siya ng isang motorsiklo na menamaneho ni Benjie Tamayo y Rantogan, 26, ng Brgy. Loctuga, Libacao.
Agad isinugod ng mga rumespondeng tauhang ng MDRRMO ang nasabing biktima sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital para magamot.
Ayon naman kay Dela Cruz, posibleng magkaayos naman ag magkabilang panig. Tutulong umano sa pagpapagamot ang driver ng motor sa kanyang nasagasaan.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Lalaking nakainom nabundol ng van habang tumatawid sa highway sa Nabas
NABUNDOL NG van ang isang laki sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Gibon, Nabas gabi ng Huwebes.
Ayon kay PCorp. Melvin Alba, imbestigador ng Nabas PNP, tumatawid ng kalsada si Blas Santillan, 57-anyos, residente ng nasabing lugar, nang mabundol ito ng van.
Napag-alaman na nakainom ang pedestrian.
Napag-alaman na nakainom ang pedestrian.
Kinilala ang driver ng pampasaherong van na si Emelio Tobias Jr., 55, residente ng Brgy. Caticlan, Malay. Galing ng Caticlan ang menamaneho niyang van patungo sanang Kalibo.
Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon sa kalsada ang pedestrian at nagtamo ng malubhang sugat sa ulo at iba pang bahagi ng katawan. Basag ang windshield ng sasakyan.
Ayon kay Corporal Alba, tinulungan naman ng driver ang nasagasaan na madala sa Rural Health Center ng Nabas sakay ng kanyang sasakyan.
Pagkarating doon ay dinala naman ng mga tauhan ng MDRRMO ang sugatan sa Ibajay District Hospital at kalaunan ay inilipat sa ospital sa Kalibo.
Sinabi ni Alba na batay sa salaysay ng driver ng van may nakasalubong umano siyang isang sasakyan na nakakasilaw ang ilaw kaya hindi niya nakita ang tumatawid na lalaki.
Posible naman umanong magkaayos ang magkabilang panig matapos mangako ang driver ng van na tutulong sa gastusing medikal ng biktima.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Wednesday, May 15, 2019
Apat sugatan sa sagian ng motorsiklo at truck sa Nabas
KALIBO, AKLAN - Sugatan ang apat na miyembro ng isang pamilya makaraang makasagian ng kanilang sinasakyang motorsiklo ang isang truck sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Gibon, Nabas hapon ng Miyerkules.
Kinilala sa ulat ng Nabas PNP ang mga sugatan na sina Renz Cris Alejandro, driver ng motorsiklo, 31-anyos; asawa niya na si Maricar, 29; at mga anak nila na sina Crispaul, 4, at Renzcar, 9, pawang mga residente ng Brgy. Habana sa parehong bayan.
Kinilala naman ang driver ng truck na si Elmar Delgado, 23, residente ng Sta. Cruz, Ibajay.
Batay sa pahayag ni PCorp. Andrew Andrade, imbestigador ng Nabas PNP Station, galing umano ng Malay ang truck nang pagdating sa pababang bahagi ng highway ay nakasagian niya ang kasalubong na motorsiklo.
Ayon pa sa imbestigador hindi pa malaman kung sino sa kanila ang may sala dahil pareho umanong nagtuturuan ang magkabilang panig.
Nabatid na matapos ang insidente ay dumeretso lamang patungong bayan ng Ibajay ang truck.
Isinugod sa ospital ang pamilya para magamot. Habang arestado naman ang driver ng truck.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Kuya inamin ang pagpatay sa 14-anyos na kapatid na babae sa Banga
BANGA, AKLAN - Sumuko na sa Banga PNP ang suspek sa pagpatay kay Lina Natabio 14- anyos ng Pagsanghan, Banga, Aklan.
Kinilala ang suspek sa pangalang Kenny Natabio 29-anyos, kuya ng biktima.
Salaysay ng suspek nagtalo raw sila ng kapatid nang sunduin niya ito sa computer shop hanggang sa mapikon ito kaya hinampas niya raw ng kawayan.
Pagkatapos ay iniwan niya ang sugatan at walang malay na kapatid.
Umuwi raw ang suspek na parang walang nangyari, tumulong pa nga raw ito sa paghahanap sa kapatid kinabukasan.
Nangyari ang pagpatay sabado ng gabi, at natagpuan ng isang magsasaka ang bangkay Lunes na ng umaga.
Sumuko raw ang suspek dahil sa nakonsensiya ito.
Naisampa na sa korte ang kasong homicide.
- Kasimanwang Archie Hilario, Energy FM Kalibo