▼
Saturday, February 16, 2019
Suspek sa pagpatay sa alagang aso sa Numancia umamin, itinuro 2 kasama
UMAMIN SA mediation ng Barangay Council ng Tabangka, Numancia ang suspek na pumatay sa alagang aso ng kapitbahay at itinuro ang dalawa nitong kasama.
Batay sa mediation report, sinabi ng suspek na si Joemar Sorilla hinabol umano niya at pinalo ang dachshund gamit ang pinutol na kawayan na naging dahilan ng pagkamatay.
Dinala umano niya ito sa bahay ni Meejay Masallo kung saan sila nag-iinuman sa Brgy. Tabangka. Gayunman sinabi ni Sorilla na bago niya pinalo ang aso ay sinaksak na ito ng isa pa niyang kasama sa inuman na si certain Edison.
Pagkatapos umanong mapatay ang aso ay hindi na alam ni Sorilla ang sunod na nangyari dahil umalis ito para umuwi sa kanilang bahay sa Brgy. Cabayugan sa bayan ng Malinao.
Walang nangyaring pagkaayos sa pagitan ng suspek at nagrereklamo na si Desiderio Isturis ayon sa mediation ng barangay council nitong Miyerkules na pinangunahan ni Punong Barangay officer in charge Geneva Permison.
Ipapatawag pa sa susunod na mediation ang ang dalawa na itinuturo ni Sorilla na kasama niya sa pagpatay sa nasabing aso para hingin ang kanilang panig.
Samantala, napag-alaman na na-trauma ang mga bata sa bahay ni Isturis dahil sa pagkawala ng kanilang alagang aso noong Pebrero 8.
Nagbigay ng isang aso ang kanilang kapitbahay kapalit ng pinatay na aso para maibsan ang kalungkutan ng mga bata.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Friday, February 15, 2019
Aklan’s birth registration drops 4% in 2018
Birth registration in Aklan declined by almost 4 percent in 2018 based on the record of the Philippine Statistics Authority.
A total of 13, 696 were registered last year, lower by 481 compared to 2017’s 14, 177 birth records.
Of this number, 51% (or 6, 936) were males, and 49% (or 6,760) were females.
Kalibo, the capital town, obtained the highest registration with 6, 392 (47%), followed by Libacao with 1, 226 (9%), Ibajay with 1, 222, Malay with 1,036 (8%), and Nabas with 569 (4%).
Almost all municipalities showed a drop in registration except for Batan which exhibited an increase of 42% (from 223 in 2017 to 316 in 2018), Libacao with 37% (from 892 in 2017 to 1, 226 in 2018), Malinao with 29% (from 312 in 2017 to 402 in 2017), and Kalibo with 2% (from 6, 283 in 2017).
On the other hand, the highest decline in registration was noted in New Washington with 44% (from 413 in 2017 to 232 to 2018), Madalag with 37% (from 530 to 335), and Numancia with 32% (from 113 to 77).
October has the most number of registration recorded with 1, 353, followed by November and March with 1, 206 and 1, 191, respectively.
Meanwhile, the highest increase in the registration was observed in November with 25%, followed by December with 10%, and May with 7%.
The data were derived by PSA-Aklanfrom the certificate of live birth submitted by local civil registry offices every end of the month./PSA-Aklan
"Pangga, Ikaw Lang Ang Aking Mahal": Archie & Marilyn Love Story
Ang napili naming bigyan ng libreng date ngayong araw ng Valentines Day sa pamamagitan ng Energy FM Kalibo "Pangga, Ikaw Lang Ang Aking Mahal Part 2" ay ang mag-asawang Archie Gutierrez, 28-anyos, at Marilyn Merano, 28, ng Polo, Banga, Aklan.
Nakilala ni Archie si Marilyn noong siya ay first year high school sa pamamagitan ng kanilang common friends. Second year high school naman noon ang babae.
Pareho nilang crush noon ang isa't isa pero matapos ang second year high school ay huminto sa pag-aaral si Archie dahil sa hirap ng buhay at nagtrabaho sa Iloilo at Manila ng ilang taon. Bagaman naghiwalay na sila, palagi paring nasa sa isip ni Archie si Marilyn.
Second year college na noon si Marilyn sa kursong culinary arts ng tila muli silang pinagtagpo ng tadhana nang magkita sila sa birthday party ng kakilala ni Marilyn. Dito na muling nanumbalik ang kanilang relasyon.
Nagsama noon sa iisang boardinghouse ang magkasintahan habang nag-aaral ang babae. Lingid pa ito sa kaalaman ng parehas nilang mga magulang.
Nakagraduate na si Marilyn at napag-alamang nagbubuntis na siya. Nadamay sa sunog ang kanilang boardinghouse at nagkasundo ang dalawa na umuwi sa bahay ng lalaki. Maayos naman na tinanggap ng pamilya ng lalaki si Marilyn.
Nanganak na si Marilyn bago siya nagtapat sa kanyang mga magulang. Galit na galit noon ang tatay ni Marilyn lalo at wala pang trabaho ang lalaki. Sinikap ni Archie na makapagtrabaho at pinanagutan ang anak nila ni Marilyn.
Sa ngayon ay secretary ng barangay Polo sa Banga ang babae at nagkokonstruksiyon naman ang lalaki. Nagsisikap ang mag-asawa na maitaguyod ang dalawang mga anak. Parehas nilang mahal na mahal ang isat isa tunay ngang masasabi nila: "Pangga, ikaw lang ang aking mahal."
Mabuhay kayong dalawa!
Tigdas sa Aklan patuloy ang pagtaas ayon sa Provicial Health Office
PATULOY SA pagtaas ang kaso ng tipdas sa lalawigan ng Aklan ngayong 2019.
Ayon sa tala ng Provincial Health Office (PHO) Epidemiology Surveillance & Response Unit (APESRU) nitong Pebrero 14 ay umabot na sa 18 kaso sa buong lalawigan.
Sa buong Western Visayas, ay naitala ang kabuuang 395 kaso. Kabilang ang Western Visayas sa isinailalim sa measle outbreak sa buong Pilipinas.
Dahil sa tumataas na kaso ng tigdas, ang PHO ay nagsagawa ng emergency orientation sa lahat ng mga municipal health offices, mga government at private hospital para masawata ang paglaganap ng nakamamatay na virus.
Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang pagbibigay diin sa mahalagang tungkulin ng mga Rural Health Unit sa pagsugpo sa tipdas.
Ayon sa PHO ang tigdas ay mabilis makahawa at kumalat, sa pamamagitan lamang ng pag-ubo, paghinga at paghatsing.
Ang impiksiyon ng tipdas ay maaaring magsresulta sa malalang komplekasyon gaya ng pneumonia, dehydration, pagkabulag, impiksyon sa tinga, encephalitis at posible pang ikamatay.
Ang mga bagong silang, hindi nabukunahang mga bata at matatanda ay madaling kapitan ng ganitong virus.##
- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
'Sex' sa beach front ng Boracay pinaiimbestigahan na ng Malay PNP Chief
NAHULI NG mga tao na nagsi-sex umano ang isang lalaki at isang babae sa beach front ng Isla ng Boracay sa station 2.
Ayon kay John Villanueva, isa sa mga nakasaksi at nakakuha ng mga larawan sa nasabing eksena, naganap ang insidente kaninang madaling araw dakong alas-3:00.
Sinabi niya na marami rin umano ang nakasaksi sa dalawa at pinanood lang ng mga tao hanggang sa may isang guwardiya na nakasaksi at binulabog ang mga ito.
Mula umano sa bar ang magkasintahan at pinaniniwalaang mga nakainom. Paniwala niya foriegner umano ang mga ito.
Ipinost ito ni Villanueva sa kanyang facebook account at umani ng mga samu't saring negatibong reaksiyon. Sabi ng ilang netizen hindi dapat nila ito ginawa sa beach dahil iba ang kultura ng Pilipino sa mga banyaga.
May iba na nagsasabi na hindi na dapat ipinost pa ito sa facebook.
Tumawag kami sa Boracay PNP at ayon sa kanila wala umanong ganitong reklamo na nakarating at nairekord sa kanilang tanggapan.
Sa isang text sinabi PSupt. Antonio Dizon, hepe ng Malay PNP, inatasan na niya ang kanyang mga tao para mag-imbestiga sa nasabing insidente.##
Thursday, February 14, 2019
Kalibo PNP Chief: nag-iinom sa mga pampublikong lugar pwedeng ikulong, pagmultahin
MULING NAGBABALA si PSupt Richard Mepania, hepe ng Kalibo PNP, sa umiinom sa mga pampublikong lugar sa kabiserang bayang ito.
Kagabi ay ilang mga indibidwal ang kanilang dinampot, kabilang na ang mga menor de edad, na sangkot sa inuman sa kalsada sa kahabaan ng N. Roldan St., Poblacion, Kalibo.
Kinulong ng kapulisan ang nasa hustong gulang na habang pinangaralan naman ang mga menor de edad sa Women and Children Protection Desk kasama ang Muncipal Social Welfare and Development Office at ipinatawag ang kanilang mga magulang.
Ayon kay Supt. Mepania, ang mga mahuhuling nag-iinom sa mga pampublikong lugar ay pwedeng pagmultahin o kaya ay ikulong batay sa code of general ordinances ng bayan ng Kalibo.
Nakasaad rito sa Article 3 ang pagbabawal sa pag-iinom sa mga sidewalk, sidestreet at iba pang mga pampublikong lugar. Sa unang paglabag ay maaaring makulong ng tatlong araw ang lumabag o pagmultahin ng Php500.
Sa ikalawang paglabag ay maaari namang makulong ng limang araw o pagmultahin ng Php1000. Sa ikatlo at mga sumunod pang paglabag ay ikukulong ng 20 araw o pagmultahin ng Php2,500 ang mga lumabag.
Mensahe niya sa taumbayan na kung hindi maiiwasan ang pag-inom ay uminom nalang sa loob ng kanilang bahay.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Aklanon pasok sa grand final ng WISHcovery singing contest
PASOK SA grand final ng Wish FM 107.5 WISHcovery singing contest ang isang Aklanon na si Tweetie Grace Salas ng Brgy. Poblacion, Kalibo.
Si Tweetie ay personal na pinili ng singer at song writer na si Noel Cabangon matapos ang ilang elimination rounds at showdown.
Hindi lamang Aklan kundi buong Panay Island ang kakatawanin ni Ms. Salas laban sa pito pang grandfinalist mula sa Central at North Luzon, South Luzon, Cebu, Caraga Region, Davao Region, National Capital Region at pinoy talent mula sa United State of America.
Gaganapin ang grand final night sa Pebrero 26 sa Smart Araneta Coliseum.
Bago rito, may pa-home concert si Ms. Salas sa Pebrero 16 sa SM City Southpoint, Iloilo City kasama si Noel Cabangon bilang pasasalamat sa kanyang mga supporters.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Wednesday, February 13, 2019
Publiko pinag-iingat sa blue bottle jellyfish sa baybayin ng Boracay
hindi aktwal na larawan / mula sa SBS.com |
Ito ay matapos namataan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ang naturang uri ng jellyfish na napadpad sa Eastern Coast ng Boracay sa Puka Beach.
Nabatid na ang blue bottle jellyfish ay nakakalason at maaari umanong makapatay ng mga isda at minsan ay nakakamamatay sa tao. Masakit ito kung makadikit sa tao.
Bagaman wala namang namataan na ganitong uri ng jellyfish sa front beach nag-apela parin ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa kanilang inilabas na advisory na maging maingat.
"Never touch these creatures as their stingers are still active even if they are out of the water," saad sa public advisory. "If stung by this creature, kindly approach our deployed Life Guards along the beach."
Wala namang pagbabawal sa paliligo sa Puka Beach at sa tabing-baybayin sa Eastern coast ng Isla.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Tuesday, February 12, 2019
Canadian na umihi sa beach sa Boracay, arestado nang manlaban sa auxiliary police
photo Kas Darwin Tapayan / Energy FM Kalibo |
INARESTO NG kapulisan ang isang Canadian National makaraang manlaban sa isang auxiliary police na sumita sa kanya sa pag-ihi sa beach sa Boracay.
Kinilala sa ulat ng Malay PNP ang suspel na si Russel Medhi, 49-anyos, single, at kasalukuyang nakatira sa nasabing Isla.
Naganap ang insidente kagabi sa front beach sa Brgy. Balabag kagabi, Lunes nang sitahin ng nag-iikot ng grupo ng Malay Auxiliary Police ang foreigner.
Ayon kay Cherry Galleno, 36, miyembro ng MAP, ipinaaalam umano niya sa foreigner ang paglabag nito sa municipal ordinance nang kuwestiyunin ng banyaga ang kanyang otoridad.
Hinanapan umano siya ng foriegner ng ID bagay na kanya namang ipinakita. Nagalit umano ang Canadian, hinablot ang cellphone ng miyembro ng MAP at itinulak.
Dinala sa police station ang suspek at pansamantalang ikinulong.
Isasailalim siya sa inquest proceeding ngayong araw para sa sampahan ng kasong Disobedience Upon Agent of Person in Authority.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Monday, February 11, 2019
Ronda Pilipinas cycling teams dadaan sa kalsadahin ng Aklan bukas
photo Ronda Pilipinas FB |
Kaugnay rito, ang mga kapulisan at iba pang emergency response unit sa probinsiya ay nakahanda na sa pagdaan ng mga siklista sa probinsiya sa panghuling stage ng kanilang karera.
Sa bayan ng Kalibo, sinabi ni PSupt. Richard Mepania, hepe ng Kalibo PNP, nakahanda na ang kanilang seguridad kung saan ipapakalat umano sa highway ang mga kapulisan, auxiliary police, mga tanod. Katuwang din umano nila ang MDRRMO.
Ayon kay Mepania posible umanong dumaan rito ang mga siklista dakong alas-11 ng umaga.
Nagsimula ang karera sa 197.6-kilometer Iloilo-Iloilo Stage One noong Pebrero 7 diretso sa 101.8-km Guimaras-Guimaras Stage Two sa sumunod na araw.
Bumalik ang grupo sa Iloilo para sa 179.4-km Iloilo-Roxas City Stage Three nitong Pebrero 10 at sinundan ng 146.9-km Roxas-Roxas Stage Four pagdating ng Pebrero 11.
Ang awarding ceremony ay isasagawa sa Isla ng Boracay araw rin ng Martes.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Comelec Aklan nakahanda na para sa Oplan Baklas kontra sa mga iligal na posters
NAKAHANDA NA ang Commission on Election (Comelec) - Aklan sa pagbaklas sa mga iligal na poster na nakakabit sa mga ipinagbabawal na lugar.
Ayon kay Comelec - Aklan spokeperson na si Atty. Rommel Benliro, simula Pebrero 12 ay aarangkada na ang Oplan Baklas kasabay ng unang araw ng campaign period para sa mga national candidates.
Sinabi ni Benliro sa isang press conference nitong Biyernes na papayagan lamang ang paglalagay ng mga poster sa mga common poster area na inilabas ng Comelec - Aklan.
Ipinagbabawal umano ang pagkakabit ng mga ito sa mga gusali at mga sasakyan ng pagmamay-ari ng gobyerno pati na ang mga pampublikong terminal, mga kahoy, at maging mga pribadong lugar na walang pahintulot sa may-ari.
Sa inilabas na notice ni Comelec Chairman James Jimenez binalaan niya ang mga kandidato na alisin ang mga iligal nilang poster sa 72 oras bago ang pagsisimula ng campaign period.
Ang maximum poster ng mga kandidato ay 2 ft x 3 ft. Kailangan rin aniyang nakasaad ang sino ang nagbayad ng materyal at adres gaya ng isinasaad sa Comelec Resolution 10488.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Grab planong mag-operate sa Kalibo; Sangguniang Bayan pinag-aaralan ang proposal
background photo by Kas Darwin Tapayan / Energy FM Kalibo |
PLANO NGAYON ng Grab Visayas na mag-operate sa bayan ng
Kalibo. Sa report ni Kasimanwang Joel Nadura, batay ito sa sulat na ipinadala
ng kompaniya kay Mayor William Lachica.
Isa sa mga serbisyo ng Grab ay ang GrabTaxi na isang “smartphone-based
taxi booking and dispatching service.” Layunin umano ng kanilang serbisyo “to
revamp the Philippines’ taxi industry, making it a safer and more efficient
means of transport.”
Ang sulat mula kay Jonathan Papa, Business and Development
Expansion Manager, ay inindorso ng alkalde sa Sangguniang Bayan para sa
kaukulang aksiyon.
Napagkasunduan ng Sanggunian sa kanilang session na magsagawa
ng isang pampublikong pagdinig. Ipapatawag umano rito ang mga tricycle at taxi
driver at operator, at mga commuter para hingin ang kanilang panig.
Sa panayam ng Energy FM Kalibo kay Konsehal Dr. Daisy
Briones, vice chairman ng Committee on Transportation, sinabi nito na ito ay
banta sa mga tricycle drivers dahil sa ilang mga reklamo sa kanila.
Sa kabila nito sinabi ni Briones na nag-aalala parin sila sa
magiging epekto ng posibleng pagpasok ng GrabTaxi sa Kalibo sa kabuhayan ng mga
tricycle driver at operator dito.
Hindi pa malinaw kung ang operasyn ng Grab ay sa kabiserang
bayan lang o sa alinmang bahagi ng probinsiya ng Aklan.##
Lalaking natagpuang patay sa Ibajay nakitaang may sugat dulot ng pagbaril
Natagpuang patay at may sugat sa dibdib dulot ng pagbaril ang isang 53- anyos na lalaki sa Regador Ibajay, Aklan, kahapon.
Kinilala ang biktima sa pangalang Luvimin Perucho ng Sitio atason, Naisud, Ibajay.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng PNP sa kasunod na Barangay nakita ang bangkay, sa mabangin na bahagi ng sitio Itigban Regador, may kalayuan sa tirahan ng biktima.
Narecover din ng pulisya sa lugar ang isang baril.
Magpapatuloy pa raw ang imbestigasyon ng PNP para matukoy kung binaril ba ang biktima o nagsuicide ito.##
Sunday, February 10, 2019
ALAMIN: Pebrero 11 ay special non-working holiday sa Panay Island sa paggunita sa Evelio Javier Day
Ang Pebrero 11 bawat taon ay special non-working public holiday sa Isla ng Panay o sa mga lalawigan ng Antique, Aklan, Capiz at Iloilo bilang paggunita sa death anniversary ng dating gobernor ng Antique na si Evelio B. Javier.
Sino ba si Governor Evelio Javier? Siya ay isang politiko na pataksil na pinatay sa pagtatapos ng panunungkulan ni dating pangulong Ferdinand Marcos.
Si Javier ay masugid na taga-suporta ng noo'y presidential candidate na si Corazon Aquino. Binaril siya Pebrero 11, 1986 apat na araw pagkatapos ng snap election pero nasa kasagsagan pa ng bilangan ng boto.
Ang pagpatay kay Evelio Javier ay nakatulong sa pagbagsak ng rehimeng Marcos mula sa kapangyarihan dahil sa People Power Revolution.
Si Javier ay pinatay sa Freedom Park ng San Jose, Antique sa umano'y atas ng dating Assemblyman at kaanib ni Marcos na si Arturo Pacificador gayunman si Pacifador ay naabswelto sa kaso.
Simula 1987 taun-taon ay ginugunita ang Gov. Evelio B. Javier day kasunod ng Republic Act 7601. Ang freedom park sa Antique ang nagsiserbeng sentro ng paggunita bawat Pebrero 11.##