▼
Saturday, February 02, 2019
Pari, 88-anyos na babae sugatan sa disgrasya sa bayan ng Balete
MALUBHA ANG lagay ng isang 88-anyos na babae makaraang mabundol ng motorsiklo na menamaneho ng isang pari sa Brgy. Calizo, Balete.
Kinilala sa ulat ng Balete PNP ang babae na si Fredizwenda Perez y Zabala, residente ng Sitio Doedoemon sa nabanggit na lugar.
Kinilala naman ang pari na si Fr. Rafael Delfin y Yeban, 44, residente ng Navitas, Numancia, at pari sa bayan ng Balete.
Ayon kay PO3 Steve Ian Bautista, imbestigador, papasok na sa kumbento ang pari sakay sa kanyang motorsiklo nang bigla umanong tumawid ang matanda.
Sinabi pa ng imbestigador na sinigawan pa ng pari ang matanda subalit posibleng hindi umano niya ito narinig at tumuloy parin sa pagtawid.
Sinubukan pa umano ng driver na ilagan ang matanda subalit nahagip parin ito ng manibila ng motorsiklo. Parehong natumba sa kalsada ang dalawa.
Nagtamo ng sugat sa ulo at iba pang bahagi ng katawan at naratay ngayon sa Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital ang matanda. Nagtamo lamang ng kaunting sugat sa katawan ang pari.
Handa naman umanong tumulong ang pari sa babae.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Wednesday, January 30, 2019
Provincial Tourist Regulatory and Enforcement Unit isinusulong sa SP Aklan
photo RB Bachiller |
ISINUSULONG NGAYON sa Sangguniang Panlalawigan ang pagbuo ng Aklan Provincial Regulatory Enforcement Unit para tutukan ang mga banyagang pumapasok sa probinsiya.
Ito ang rekomendasyon ng joint committee sa pangunguna ni Board Member Nemesio Neron, Chair on Committee on Peace and Order, kasunod ng kanilang mga pagdinig sa presensiya ng umano'y mga iligal na banyaga na nagtratrabaho sa Aklan.
Una nang inirekomenda ng Sanggunian sa Bureau of Immigration at Department of Labor and Employment na magdagdag ng tauhan sa Aklan para tuonan ang suliranin subalit wala pang positibong tugon rito.
Noong Disyembre 19, 2018 sa pagdinig ng Sanggunian sinabi ng kinatawan ng DOLE-Aklan nasa 163 Alien Employment Permit ang ibinigay nila sa mga banyaga dito sa probinsiya.
Sa bilang na ito ay 123 umano ang sa Boracay at 41 ang sa Kalibo maliban pa rito ang mga foriegner na nagtratrabaho sa isang ginagawang hydropower plant sa Madalag kung saan wala umano silang rekord.
Ginisa rin noon ng joint committee ang kinatawan ng BI dahil sa kakulangan ng monitoring sa mga banyaga na pumapasok at nagtratrabaho sa probinsiya.
Sang-ayon naman sa rekomendasyon ang plenaryo sa kanilang regular session araw ng Lunes. Ida-draft palang ang ordenansa para sa pagbuo ng isang Tourist Regulatory and Enforcement Unit.##
- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Presensiya ng ISIS sa Western Visayas, planong pag-atake walang katotohanan - PRO6
KALIBO, AKLAN – Pinabulaaanan ng Police Regional Office 6 ang kumakalat na bali-balita na may presensiya ng ISIS o teroristang grupo sa rehiyon at planong pag-atake.
Ayon sa opisyal na pahayag ng PRO6 wala umano itong katotohanan. “The messages spreading around are all fake news.” Hinikayat rin ng kapulisan na itigil na ang pagpapakalat ng nasabing mensahe.
“Do not be a part of spreading fake news and unverified information to prevent panic and sowing fear to other members of the community.”
Sa halip nanawagan ang kapulisan na tulungan sila sa pamamagitan ng pagreport ng mga kahina-hinalang tao sa kanilang lugar.
“We would like to assure the public that PRO6 is on the top of the situation and we are imposing measures to monitor and prevent terroristic activities here in Western Visayas,” pagsiguro ng PRO 6.
Naka heightened alert ngayon ang kapulisan sa buong bansa kabilang na ang Western Visayas kasunod ng magkakasunod na pagbomba na naganap sa Jolo.##
Taas-sahod sa Isla ng Boracay epektibo na ayon sa DOLE-Aklan
photo Darwin Tapayan / Energy FM Kalibo |
KALIBO, AKLAN – [updated] Epektibo na simula Enero 27 ngayong taon ang regional wage increase sa Boracay, tatlong buwan pagkatapos ng muling pagbubukas ng Isla.
Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) – Aklan officer-in-charge Carmela Abellar minomonitor na nila ngayon ang mga establisyemento sa Isla para masigurong nasusunod ito.
Mababatid na noon pang Hulyo 12 epektibo ang Wage Order No. RBVI-24 sa buong Western Visayas maliban lamang sa Aklan at sa Isla ng Boracay.
Umapila noon ang mga employer sa Aklan at sa Boracay na ipagpaliban ang implementasyon ng wage order dahil sa pagsasara ng Isla na tumagal ng anim na buwan.
Napagkasunduan noon ng DOLE-6’s Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB-6) na ang regional wage increase sa Aklan ay ipatutupad simula sa buwan ng Nobyembre.
Magiging epektibo naman ang wage order sa Isla tatlong buwan matapos itong isinara sa mga turista para sa malawakang rehabilitasyon. Nagbukas ang Boracay Oktobre 26 noong nakaraang taon.
Batay sa wage order ang mga manggagawa sa rehiyon ay makatatanggap ng arawang sahod mula Php295 hanggang Php365. Ang dating sahuran ay nasa Php271.50 hanggang Php323.50.
Hinikayat naman ni Abellar ang mga manggagawa na iulat sa kanilang tanggapan ang mga lumalabag na employer o kompanya para sa kanilang aksiyon.##
- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Tuesday, January 29, 2019
Pagnanakaw sa isang mall nakuhanan ng CCTV; anim na suspek tinutugis na
SAPOL SA CCTV ang pagnanakaw ng isang grupo sa Department Store ng Gaisano Mall umaga ng Martes.
Ayon kay Gladys Pearl Padua, selling-area supervisor, natangay ng mga suspek ang 28 lata ng gatas. Nabatid na Php800 ang halaga ng bawat isa nito.
Huli na nilang napag-alaman na ninakawan sila nang makita na kaunti nalang ang mga lata ng gatas sa kanilang estante.
Nang rebyuhin ang CCTV nakita ang apat na babae at dalawang lalaki na nagtutulungan na isilid ang gatas sa tatlong malalaking bag na dala-dala nila.
Ayon kay PO2 Erick De Lemos, imbestigador ng Kalibo PNP, na nagkataon pa umano kumain sa labas ang guwardiya. Kakabukas lang din umano nila at papasok palang ang ibang bantay.
Nakausap umano ng isang bantay ang isa sa kanila at Tagalog umano ang pananalita. Pero hindi umano niya napansin na nagnanakaw na pala ang mga suspek.
Pinakakalat na ng kapulisan ang mga larawan ng suspek sa social media at maging sa mga business establishment para makilala at mahuli ang mga ito.##
- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Municipal agriculturist pinabulaanan na may nahuling dolphin sa bayan ng Malay
PINABULAANAN NG municipal agriculturist office (MAO) ang kumakalat na facebook post na may nahuling dolphin sa bayan ng Malay.
Ayon sa agriculturist na si Denric Sadiasa ang mga larawan ng dolphin sa nasabing facebook post ay kuha pa noong December 3, 2016 sa Brgy. Caticlan.
Napadpad umano sa tabing dagat malapit sa Caticlan jetty port ang naturang dolphin at patay na. Ibiniyahe ito ng mga Bantay Dagat sakay sa isang tricycle at inilibing sa Sitio. Tabon.
Lumabas din sa pagsisiyasat ng kanilang tanggapan na ang tricycle na makikita sa mga larawan na kinargahan ng dolphin ay pagmamay-ari ng isa sa mga tauhan ng Bantay Dagat.
Napag-alaman na ang taong nakaapo sa loob ng tricycle sa mga larawan ay isa pang miyembro ng Bantay Dagat sa bayan ng Malay.
Inamin ng 20-anyos na babae ang kanyang pagkakamali at humingi ng tawad sa mga otoridad.
Napag-alaman na nadaanan lamang niya ang tricycle na may kargang dolphin at kinuhanan ito ng larawan. Kagabi ay na nakita umano niya sa memory ng kanyang cellphone ang mga larawan at naingganyong ipost ito.
Nilagyan niya ito ng caption na "dakop ka gid" o "huli ka" ang facebook post bagay na umani ng mga negatibong reaksiyon.
Bagaman binura na ng babae ang kanyang post mabilis ito nascreenshot ng ibang mga netizen at ipinost sa social media hanggang sa makarating ito sa tanggapan ng MAO.
Pinatawad ng opisyal ang nagpost.##
Revenue code ng probinsiya nais baguhin pabor sa libreng terminal fee sa mga Aklanon
Iminungkahi ni SP member Soviet Dela Cruz sa regular session ng Sanggunian noong Enero 14 na muling pag-aralan ng Committee of the Whole ang revised revenue code lalo na ang binanggit na probisyon bago nila ito aprubahan sa ikalawa at ikatlong pagbasa.
“The committee of the whole failed to consider the main problem that is frequently meet at the Caticlan jetty port – the issue on who can avail of the free terminal fee amounting to Php100 for residents of Aklan,” pahayag ng opisyal.
“Although this was presented during the committee and public hearing this was not extensively discussed and the provision of the old revenue code is almost adopted in toto which is if we are going to carry this in the revised revenue code it well still continue to have the same issue and different interpretation.”
Matatandaan na Pebrero noong nakaraang taon sumailalim sa pagdinig ang usapin sa terminal fee sa jetty port. Iminungkahi rito na idagdag ang iba pang valid ID kabilang na ang barangay ID at sedula bilang proof of residents para mapalawak pa ang makaavail ng libreng terminal fee.##
- Ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Pagbuo ng Boracay Authority pinag-aaralan parin sa komite ng Senado
photo Darwin Tapayan / Energy FM Kalibo |
KALIBO, AKLAN – Pinag-aaralan parin sa komite ng Senado ang panukalang pagbuo ng isang joint national at local authority na permanenteng mamamahala sa Isla ng Boracay.
Sa isang press conference dito sa Kalibo sinabi ni Senadora Cynthia Villar na isa sa mga resulta ng isinagawang imbestigasyon ng joint committees ng Senado.
“Yung amin sa Senate Committee on Environment and Natural Resources yung creation ng magmamanage ng Boracay,” sabi ni Senator Villar sa kanyang pagbisita dito sa kaarawan ng Ati-atihan.
“Kasi they feel that yung mga management ng mga famous area na ganito na dapat ipreserve should be a join management by the national and by local,” dagdag pa ng Committee Chair on Environment.
“So magki-create tayo ng something like Boracay Authority para yon ang permanenteng magmanage ng Boracay.”
Mababatid na pinangunahan ni Villar ang pagdinig kaugnay sa krisis na kinahaharap ng Isla ng Boracay na nagbunsod sa anim na buwang pagpapasara ng pamahalaang nasyonal dito.##
- Ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Nahuling dolphin ibinida pa sa social media umani ng mga negatibong reaksiyon
UMANI NG mga negatibong reaksiyon ang post na ito sa facebook kung saan ipinapakita ang isang dolphin na nahuli umano.
Hindi malinaw kung saan ito nahuli at kung kailan. Pero napag-alaman na taga-Malay ang nagpost nito.
Sa isang komento nagreply ang nagpost sa mga nagtatanong na netizen at inamin ang kaniyang kamalian.
"Oo saud ko pero di ko lang gusto nga hambalon tutal patay man ang dolphin bag-o ginsakay sa tricycle ag isa pa kunta maging warning lang dya dahil wa ko kasayod nga sala dya aminado ako nga sala ko dya," sagot ng nagpost.
Agad na binura ang orihinal na post pero kumalat na ang screenshots nito.
Ayon sa kapulisan sa Malay at sa Boracay wala umanong ganitong insidente na nakarating sa kanila.
Sinusubukan pa ng Energy FM Kalibo news team na makuha ang reaksiyon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa mga sandaling ito.
Ang pagkuha, paghuli, pagbyahe, pagbebenta, pagbili, pag-alaga, at pagluluwas ng mga dolphin o "eumba-eumba" sa lokal na dialekto ay ipinagbabawal sa batas alinsunod sa Fisheries Administrative Order No. 185 series of 1992.
Hindi malinaw kung saan ito nahuli at kung kailan. Pero napag-alaman na taga-Malay ang nagpost nito.
Sa isang komento nagreply ang nagpost sa mga nagtatanong na netizen at inamin ang kaniyang kamalian.
"Oo saud ko pero di ko lang gusto nga hambalon tutal patay man ang dolphin bag-o ginsakay sa tricycle ag isa pa kunta maging warning lang dya dahil wa ko kasayod nga sala dya aminado ako nga sala ko dya," sagot ng nagpost.
Agad na binura ang orihinal na post pero kumalat na ang screenshots nito.
Ayon sa kapulisan sa Malay at sa Boracay wala umanong ganitong insidente na nakarating sa kanila.
Sinusubukan pa ng Energy FM Kalibo news team na makuha ang reaksiyon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa mga sandaling ito.
Ang pagkuha, paghuli, pagbyahe, pagbebenta, pagbili, pag-alaga, at pagluluwas ng mga dolphin o "eumba-eumba" sa lokal na dialekto ay ipinagbabawal sa batas alinsunod sa Fisheries Administrative Order No. 185 series of 1992.
Monday, January 28, 2019
15-anyos na dalaga tinangkang gahasain sa Numancia, nagreklamo sa kapulisan
photo not actual / from web |
NAGREKLAMO SA kapulisan ang isang 15-anyos na dalaga
makaraang tinangka umanong gahasain sa bayan ng Numancia.
Ayon kay SPO1 Babylyn Daylusan, hepe ng Women and Children
Protection Desk ng Numancia PNP, nglalakad umano sa kalsada ang biktima pauwi
ng kanilang bahay nang madaanan siya ng suspek.
Inalok umano niya ang dalaga na ihatid sa kanilang bahay sa
Brgy. Poblacion, Kalibo pero dinala niya ito sa isang pension house na sa bayan
ng Numancia kung saan sila nag-check-in.
Doon sa isang kuwarto hinubaran ng suspek ang dalaga at
hinipuan sa mga masisilang bahagi ng katawan. Nagdahilan umano ang dalaga na
iihi lang, bumihis at tumakas.
Naabutan din ng suspek ang dalaga sa labas ng pension house
at inihatid rin ng suspek sa kanilang bahay sa Kalibo.
Sa una ay hindi agad nagsumbong sa kanyang ina ang biktima
pero ikunuwento rin kalaunan ang insidente at nagdesisyon na ireklamo sa
kapulisan. Nakikilala naman ng ina ng biktima ang suspek.
Hindi agad naaresto ang suspek nong araw ng Sabado kung
kelan naganap ang insidente at naiulat sa kapulisan dahil hindi pa nasisiguro
ang pagkakakilalan niya.
Sinabi ni SPO1 Daylusan na posibleng isampa ang kasong
attempted rape sa pamamagitan ng regular filing.
Samantala, nagpaalala siya sa mga kababaehan kabilang na ang
mga menor de edad na huwag basta magtitiwala lalo na sa mga hindi kakilala.##
Dinagyang festival in Iloilo generally peaceful according to PNP
dinagyangsailoilo.com |
The main event of Dinagyang Festival, which is the Ati Tribe Competition, an annual celebration in honor of Señor Sto. Niño was attended by 25,000 locals and tourists from different countries around the world is generally peaceful and successful with no major incident in the duration of the contest and no 8-focus crime commited in all venues. A total of 3,600 personnel were deployed composed of 43 personnel of the Command and Control; 1,631 personnel of the Sub-Site Task Group Security (SSTG Security); 1,387 personnel of Sub-Site Task Group Peace and Order (SSTG Peace and Order); and 539 personnel of the Sub-Site Task Group Emergency Preparedness and Response (SSTG EPR) that comprise the Task Group Dinagyang 2019 under PCSUPT John C Bulalacao, Regional Director of Police Regional Office 6 and PSSUPT Martin Defensor, City Director of Iloilo City Police Office as the Site Task Group (STG) Commander.
The deployed medical teams under SSTG EPR were able to respond to 40 patients (26 medical, 14 trauma) two of which are tribe members. This data is from the beginning of their deployment on January 26 up to 12 noon today. On the other hand, no case of fire incident was reported in the city proper during the event.
The success of the coverage is attributed to the strong leadership of the Task Group and the collaboration of the different member agencies.
PRO6 aims to accomplish the objectives of the STG Dinagyang 2019 which is the reduction of 8-focus crimes, increase level of confidence of stakeholders and ensure the peaceful holding of the event until the termination of the security coverage. / PRO6
Sunday, January 27, 2019
Bading arestado matapos magnakaw ng nasa Php1 milyon sa kapatid, amo sa Lezo
INARESTO NG kapulisan ang isang bading matapos niyang nakawan ang sariling kapatid at amo sa Brgy. Poblacion, Lezo.
Kinilala sa ulat ng kapulisan ang suspek na si Ryan Taglay y Ilidan, 28-anyos, residente ng Brgy Agkawilan, Lezo.
Batay sa ulat ng kapulisan, ninakawan ng suspek ang kanyang kapatid na si Geralyn Taglay ng nasa Php100,000 halaga ng pera.
Ninakawan rin niya ang amo ng kanyang kapatid na si Necita Yerro-Rembulat, isang US citizen pensioner. Natangay naman niya rito ang 11,000 US dollar, at Php371,000.
Nabatid na paextra-extra lang ang suspek sa bahay ni Rembulat para tumulong sa kanyang kapatid na permanenteng nagtratrabaho doon.
Pinagduduhan siya na siya ang nagnakaw ng pera ng dalawa matapos may mga menor de edad na lalaki ang nagsumbong sa mga biktima na nakita nilang maraming pera ang suspek.
Katunayan ikinuwento nila na sa hotel pa sila pinatulog ng bading, pinainom at binilhan ng mga bagong damit. Bumili rin ng bagong motorsiklo ang suspek.
Matapos ito umalis patungong Roxas, Capiz ang bading. Pagbalik niya ng Aklan, hinarang agad ng kapulisan ang suspek sa bayan ng Balete at inaresto.
Nasabat ng kapulisan ang ilang dolyar, mga alahas at ang kanyang bagong biling motorsiklo.
Mahaharap sa dalawang kaso ng qualified theft ang suspek.##
- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
27 kabahayan, 5 business establishment nasunog sa Boracay
PATULOY PA ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection Boracay sa nangyaring sunog tanghali ng Linggo sa Sitio Tulubhan, Brgy. Manocmanoc sa Isla.
Ayon kay FO3 Franklin Arubang, arson investigator, 27 residential houses ang nasunog, tatlo lamang rito ang bahagyang nasunog.
Nasunog rin ang limang business establishment. Tatlo rito ang sari-sari store, isang bakery, at isang tindahan ng mga RTW.
Ayon sa imbestigador nasa 28 pamilya ang naapektuhan ng sunog.
Mabilis na nasunog ang mga bahay at mga business establishment dahil sa dikit-dikit at malakas pa ang hangin.
Nahirapan naman ang mga bombero na pasukin ang lugar dahil sa makitid na daan.
Nag-iwan ng nasa Php20 milyon pinsala ang nasabing sunog na tumagal ng isa at kalahating oras. Wala namang naiulat na malubhang nasugatan sa sunog.
Tinitiyak pa ng BFP ang sanhi o pinagmulan ng sunog.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo