▼
Wednesday, January 16, 2019
Lyreman nagproposed ng marriage sa nobya sa gitna ng sadsad sa Kalibo Ati-atihan
WALANG MAPAGSIDLAN ang saya ng isang lyreman matapos matanggap ang matamis na "oo" sa babaeng nais niyang asawahin.
Kasama ang kanyang banda sinorpresa ni Reginaldo Panagsagan ang nobya sa harap ng St. John the Baptist Cathedral kung saan siya nagpropose ng marriage.
Ang buong akala ni Mary Jorelly Egol ay magsasadsad lamang siya kasama ang nobyo ang banda niya na Kamicouzins.
Laking gulat ng babae na biglang nahinto ang tugtog ng banda, medyo nagkagulo at biglang lumuhod ang lalaki at nagladlad ng banner ang grupo nakalagay "Will you marry me?"
Nagregalo ng isang lyre stick na mayroong pulang ribbon ang lalaki at syempre singsing at sinundan ng mahigpit na yakap.
Nangontratra rin ng isang drone operator ang lalaki para i-kober ang para sa kanya ay hindi makakalimutang sandali ng kanyang buhay.
Si Reg at si Jorelly ay apat na taon nang magnobyo. Una silang nagkakilala sa high school at naging matalik na magkaibigan pagdating ng kolehiyo.
Head barista ang 23-anyos na babae sa isang kilalang hotel sa Kalibo habang billing personnel naman sa isang cable company ang 24-anyos na lalaki.##
No comments:
Post a Comment