▼
Sunday, January 20, 2019
3 arestado sa pagtutulak umano ng droga sa Kalibo Ati-atihan festival
ARESTADO ANG dalawang drug surenderee at isa pa sa ikinasang buy bust operation sa kaarawan ng kapyestahan ng Kalibo Ati-atihan Festival.
Kinilala ang mga suspek na sina Michael Adrias alyas "Pads", 32-anyos, isang tatoo artist, residente ng Roxas City, Capiz; Jamaica Cill, 19, residente ng Panay, Capiz; at Angelica Aranza, 26, residente ng Roxas City, Capiz.
Nasabat sa kanila ang dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu kapalit ng Php5,000 buy bust money.
Batay sa ulat ng kapulisan, sina Adrias at Aranza ay mga drug surenderee sa Roxas Capiz. Kinumpirma naman ito Adrias subalit tumangging magbigay iba pang pahayag sa panayam ng Energy FM Kalibo.
Inaresto ang tatlo sa kanto ng Acevedo St. at Regalado St. sa Poblacion, Kalibo madaling araw ng Linggo.
Ang operasyon ay ikinasa ng Aklan Provincial Drug Enforcement Unit kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency at ng Kalibo PNP.
Pansamantalang ikinulong ang tatlo sa Kalibo PNP Station at nakatakdang sampaham ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.##
No comments:
Post a Comment