Friday, October 05, 2018

MGA MAGULANG MAGWEWELGA KONTRA SA PRINCIPAL NA SI MS. ALCEDO

MAGWEWELGA ANG mga magulang kontra sa principal ng Estancia Elementary School dahil sa umano'y di niya magandang pakikitungon sa mga guro.

Ito ay dahil sa diskontento sila sa resulta ng imbestigasyon ng Grievance Committee na binuo ng Department of Education - Aklan sa reklamo sa punong guro na si Ms. Mary Ann Alcedo na panatilihin ito sa kanyang pwesto.

Matatandaan na mahigit 300 mga magulang ang una nang lumagda sa magkahiwalay na mga petisyon kontra sa principal.

Kabilang sa binanggit nila ang umano'y pagpapahiya niya sa mga guro sa kanilang mga pagpupulong at maging sa harap ng mga magulang at mga mag-aaral.

Hindi rin umano mabuti ang pakikitungo niya sa mga opisyal ng barangay, Parents and Teachers Association at sa mga miyembro ng 4Ps.

Nabatid na ilan pang bagong petisyon ng mga magulang at mga concerned citizen nananawagan sa DepEd na paalisin sa pwesto o ilipat ng eskwelahan ang principal.

Nabatid na sa 17 mga guro sa paaralan, 14 dito ang kagalit ng prinsipal.

Sa hiwalay na petisyon nakasaad naman ang pagkabahala ng ilang nga magulang na apektado na ang pag-aaral ng kanilang mga anak.

Sinubukan na noon ng Energy FM Kalibo na kunin ang pahayag ng punong guro pero tinanggihan nito ang aming lakad sa kanyang tanggapan.

Sa impormasyon ng News Team, sa susunod na linggo ay isasagawa ang planong kilos-protesta laban sa punong guro. Posible ring sumuporta ang konseho ng barangay.##

PESO-MALAY MAY PANAWAGAN SA MGA TRABAHANTE NA GUSTONG BUMALIK SA BORACAY

photo © MBTF, file photo
MAY PANAWAGAN ngayon ang Public Employment Service Office (PESO) – Malay sa mga trabahante na gustong bumalik sa Isla ng Boracay.

Sa panayam ng ENERGY FM KALIBO kay Jona Solano, Municipal Coordinator ng PESO-Malay, sinabi niya na kailangan munang siguraduhin ng mga babalik na worker sa isla na nakarehistro na ang kanilang pangalan sa PESO.

Aniya, ang mga workers ay may sarili nang lane sa Caticlan Port at sa Port sa Boracay kung saan isasailalim sila sa screening ng mga staff ng PESO para masigurong nakarehistro na sila.

Noon pa man aniya ay pinaaasikaso na ng kanilang tanggapan sa kanilang employer ang mga pangalan ng kanilang mga employee o worker para sa pagrehistro sa PESO-Malay.

Nagkakaroon lamang umano ng hindi pagkakaunawaan sa port kung wala sila sa listahan. Tatawagan umano nila ang kompanya o establisyementong pinagtratrabahuhan para makumpirma.

Kung wala sa list, hahanapan muna ito ng certification of employment mula sa kanyang employer at pagbabayarin ng Php200 para sa occupational permit base aniya ito sa mga municipal ordinance para makapasok at makapagtrabaho sa Isla.

Nilinaw rin niya na ang nirerequire lang nila sa nakarehistro na mga workers ay company ID at certification ng employer at hindi na kailangan ang voter’s ID o iba pang government ID.

Sa mga naghahanap palang umano ng trabaho ay makabubuti na sa online nalang muna mag-apply at sa mga datihan naman ay siguraduhing pinatatawag na sila ng employer kung babalik na sila at pinarehistro na sila sa PESO.

Maaari rin muna silang makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan kabilang na kapag may job fair sa mainland.##

BABAE HULI SA DRUG BUYBUST OPERATION SA BRGY. ESTANCIA!

Timbog sa drug buybust operation ang babaeng ito sa brgy Estancia Kalibo.

Kinilala ang suspek sa pangalang Niña Hannah Guinez Y Maypa.

Nakuha sa suspek ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu kapalit ng P5,000.00 na buybust money.

-Kasimanwang Archie Hilario, Energy FM 107.7 Kalibo


DALAWANG LALAKI ARESTADO SA KALIBO MATAPOS MAGPAKILALANG PULIS

ARESTADO ANG dalawang lalaki sa bayan ng Kalibo makaraang magpakilalang mga pulis gamit ang kanilang mga ID umaga ng Huwebes.

Ang isa ay nakilalang si Ebenezer Alvarez, 54-anyos, residente ng Brgy. Badio, Numancia na isa umanong Brigadier General.

Nakilala naman ang kasama niya na si Jayven Aguelo, 33, ng Brgy. Panayakan, Tangalan at isa naman umanong 4 Star General.

Ang dalawa ay mga miyembro umano H-INTERPOLCOMM ROYAL POLICE base sa kanilang mga ID.

Nabatid na nagtungo ang dalawa sa Kalibo PNP Station para kunin sana ang ID ng huli ng una nang kinumpiska ng isang pulis habang nasa loob ng isang mall sa Kalibo araw ng Miyerkules.

Sa ID ni Aguelo nakalagay na sergeant ang kanyang rangko pero sa kanyang larawan doon ay nakasuot siya ng uniporme na 4 Star General.

Giit naman ni Alvarez, lehitimo umano ang kanilang organisasyon, isa umano itong international Non-Goverment Organization o NGO na nakabase sa Manila.

Nakakulong ngayon ang dalawa at nakatakdang samapahan ng kasong Usurpation of Authority.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente.##

DALAWANG LALAKI ARESTADO SA BALETE SA PAG-OOPERATE NG SAKLA SA ISANG LAMAY

not actual photo, from web
ARESTADO ANG dalawang lalaki sa Brgy. Aranas, Balete madaling araw ng Huwebes dahil sa operasyon ng sakla sa isang lamay doon.

Kinilala ang mga suspek na sina Auxil Fernandez, 35-anyos, ng Tigayon, Kalibo na siya umanong "bangka" at ang kanyang " kabidor" na si Harley Chris Bonifacio, 37, ng Linabuan Norte, Kalibo.

Ang operasyon ay ikinasa ng Anti Illegal Gambling Task Force at Balete PNP. Huli umano sa akto ang dalawa sa iligal na sugal.

Narekober ng mga otoridad ang pera na nasa Php1,910, tatlong set ng baraha, money box at isang improvised game board.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 as Amended by Republic Act 9287 o Illegal Number Games.

Pansamantalang nakalaya ang dalawa makaraang makapiyansa ng Php18,000 bawat isa.##

AKLANON BEAUTY WAGI BILANG MS. SCUBA PHILIPPINES 2018

WAGI ANG Aklanon beauty na si Ms. Noelle Fuentes Uy-Tuazon bilang Ms. Scuba Philippines 2018.

Ang Coronation Night ay ginanap nitong October 3 sa Chaos Manila City of Dreams kung saan nagtagisan sa pagrampa at pagsagot ang anim na kandidata.

Si Ms. Uy-Tuazon na may lahing Tangalanon ay isang biological anthropologist at isang licensed diver.
Hindi maipagkakailang nasa puso ng ang pangangalaga at pagpapahalaga sa kalikasan.

Itataguyod niya ang "sustainable marine ecotourism preservation through coral rehabilitation and transplantation."

Kumandidata rin siya sa Miss Philippines Earth kung saan kinatawan niya ang bayan ng Tangalan.

Si Ms. Tuazon ang kakatawan sa bansa sa Miss Scuba International 2018 na gaganapin sa Kota Kinabalu Sabah, Malaysia sa darating na Nobyembre 2018.##

-Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo

KARGADOR ARESTADO SA PAGNANAKAW NG MOTORSIKLO SA KALIBO

ARESTADO ANG lalaking ito sa pagnanakaw ng motorsiko sa Brgy. Andagao, Kalibo gabi ng Miyerkules.

Kinilala ang suspek na si Arman Tambong, 28-anyos, tubo sa bayan ng Balete at residente ng Brgy. Andagao, Kalibo, kargador sa Kalibo Public Market.

Nabatid na ang motorsiklo na pagmamay-ari pala ng isang bombero ay ninakaw ng suspek sa harapan mismo ng bahay ng biktima.

Ayon kay PO2 Erick John De Lemos, imbestigador ng Kalibo PNP na nakilala nila ang suspek makaraang maaktuhan sa kuha ng CCTV ng kapitbahay.

Agad nagsagawa ng operasyon ang kapulisan at naaresto ang suspek at narekober ang motorsiklo.

Sinabi ng suspek na napagkamalan lamang niya na kanya ang nasabing motorsiklo dahil lasing siya.

Nakakulong na sa Kalibo PNP station ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong carnapping.##

-Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo

Thursday, October 04, 2018

WAITER KULONG MAKARAANG MANAKSAK NG KOSTUMER SA ISANG BAR SA KALIBO

KULONG ANG lalaking ito sa Kalibo Police Station makaraang manaksak ng kostumer sa isang bar sa bayan ito.

Kinilala ang suspek na si Raffy Sarino y Lachica, 24-anyos, residente ng Bagong Barrio, Makato at waiter ng bar.

Kinilala naman ang biktima na si Rod John Torres y De Pedro, 23, residente ng Brgy. Ugsod, Banga.
Sa paunang ulat ng Kalibo PNP, nag-iinuman umano ang biktima kasama ang isa pang lalaki sa Shot Bar sa N. Roldan St. nang maganap ang nasabing insidente.

Lumapit umano ang grupo ng mga tao sa kanila nang magkaroon sila ng pagtatalo at isa sa kanila ay sinaksak ang biktima gamit ang basag na bote ng beer.

Tinamaan sa kanyang dibdib ang biktima at agad isinugod sa ospital. Agad ring tumakas ang suspek sa lugar kasama ang kanyang grupo.

Sa follow-up investigation, unang sinabi ng waiter na suspek sa kapulisan na ang nanaksak ay kanilang regular kostumer na isa umanong Raffy Santiago.

Kalaunan ay sumuko rin siya sa kapulisan at sinabi na siya ang responsable sa pananaksak sa biktima. Positibo rin siyang kinilala ng biktima.

Naganap ang insidente madaling araw ng Martes at sumuko ang suspek umaga ng Miyerkules.
Nakatakdang sampahan ng kasong frustrated homicide ang suspek.##

-Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

SORBETERO NAHULIHAN NG BARIL SA BULWANG, NUMANCIA

ARESTADO ANG lalaking ito sa Brgy. Bulwang, Numancia umaga ng Huwebes makaraang mahulihan ng baril sa kanilang bahay.

Kinilala ang suspek na si Invenzor Nervar y Rampola, 40-anyos, residente ng nabanggit na lugar.

Ikinasa ng Numancia PNP ang operasyon laban sa suspek sa bisa ng search warrant.

Nasabat sa kanilang bahay ang isang 38 revolver at 11 live ammunition.

Inako naman ng suspek na kanya ang baril at wala itong mga kaukulang dokumento. Aniya, minana pa niya ito sa kanyang lolo na yumao na.

Ayon kay Punong Barangay Ferry Templonuevo may mga reklamo umano sa barangay na nagpapaputok ito ng baril.

Inireklamo rin siya sa kapulisan na may tinutukan siya ng baril. Mga dahilan bakit siya binabaan ng search warrant.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa Numancia Municipal Politice Station at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Wednesday, October 03, 2018

AKLAN PROVINCIAL PESO REGIONAL GRAND WINNER IN THE SEARCH FOR BEST PESO OF DOLE REGION 6

THE LOCAL Government of Aklan thru the Provincial PESO was recently awarded as the Regional Winner in the Search for BEST PESO – Second Class Province Category during the 7th Regional Career Guidance, Employment Advocacy and Human Resource Congress spearheaded by the Department of Labor and Employment (DOLE) Region 6 held at San Antonio Resort, Brgy. Baybay, Roxas City. Ms. Vivian Ruiz-Solano, Aklan Peso Manager, received the award on behalf of Gov. Florencio T. Miraflores.

Present during the awarding ceremony were Regional Director Cyril L. Ticao, Provincial Director Joselito G. De la Banda, DOLE Iloilo Province, Ms. Carmela M. Abellar, OIC-Head DOLE Aklan, Ms. Arlyn E. Siaotong, OIC-Head DOLE Guimaras and Ms. Lucy U. Muralla, NSRP/PEIS Program Manager from DOLE Region 6 among others.

The delegates of the congress were the other Municipal PESO Managers and Guidance Counselors Network (GCNet) from Aklan along with other participants from Region 6.##

TIBYOG OFFICIAL CANDIDATES FOR MUNICIPALITY OF KALIBO

NARITO ANG listahan ng mga tatakbo sa 2019 National and Local Election sa bayan ng Kalibo sa grupo ng Tibyog (o Liberal Party). Ayon kay Atty. Boy Quimpo, Municipal Chairman ng Tibyog Party, opisyal na ang hanay na ito.

Mayor:
Madeline Regalado
Incumbent Vice Mayor

Vice Mayor:
Cynthia Dela Cruz
Incumbent SB Member

Sangguniang Bayan Members:
1. Mark Ace Bautista
Incumbent SB Member
2. Mark Quimpo
Incumbent SB Member
3. Philip Kimpo Jr.
Incumbent SB Member
4. Ritchell  Militar
Incumbent Brgy. Kagawad – Estancia
5. Kitchie Luces
Incumbent Brgy. Kagawad – Andagao
6. Rey V. Tolentino
Former ABC Provincial President
Former Brgy. Chairperson – Andagao
7. Ethel Marte
Former Brgy. Captain – Old Buswang
8. Wendell Tayco
Former ABC Municipal President
Incumbent Brgy. Captain – Mobo

Tuesday, October 02, 2018

JETTY PORT ADMINISTRATOR PINABULAAN ANG "NO COMELEC ID, NO ENTRY" SA BORACAY

PINABULAANAN NI Jetty Port Administrator Niven Maquirang na sa kanila galing ang "No Comelec ID, No Entry" sa Isla ng Boracay.

Ito ang nilinaw niya sa programang Prangkahan sa Energy FM Kalibo umaga ng Martes.

Ayon kay Maquirang ang mga worker ay dadaan sa separadong lane sa jetty port kung saan hahanapan sila ng company ID at terminal pass.

Dapat rin aniya na compliant ang establisyemento na pinagtratrabahuhan ng mga workers na papasok sa Boracay.

Kaya hindi umano totoo na kapag walang Comelec ID ang mga worker sa Isla ay hindi sila makapasok.

Ang mga residente naman ay kinakailangang magpakita ng valid goverment ID, kabilang na ang Comelec, na magpapatunay na sila ay residente sa Isla.

Samantala, sinabi ni Maquirang na pinag-aaralan ngayon ng Inter-Agency Task Force ang pagkakaroon ng access bracelet.

Aniya, layunin ng bracelet na ito na mamonitor ang mga turista sa Isla ng Boracay.##

-Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo

DILG’S 2018 SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE (SGLG) PASSERS : PROVINCE OF AKLAN, MUNICIPALITIES OF BANGA, BURUANGA, AND KALIBO!

THE PROVINCE of Aklan and the three (3) Municipalities namely Banga, Buruanga, and Kalibo passed the 2018 Seal of Good Local Governance (SGLG) from the assessment conducted in 2017 as basis for the conferment of the 2018 Seal.

These LGUs passed all the core assessment areas (ALL IN) (Good Financial Housekeeping, Social Protection, Disaster Preparedness, and Peace and Order), and from the essential assessment areas (Business-friendliness and Competitiveness, Environmental Management, and Tourism, Culture & Arts) which conferred them as Seal of Good Local Governance (SGLG) recipient.

As passers of the SGLG, several opportunities awaits LGU. These include entitlement to access the Performance Challenge Fund (PCF), facilitation of loan approval through the issuance of Good Financial Housekeeping Certification, and other program windows subject to specific program guidelines.

From its pilot run in 2010, the Seal of Good Housekeeping (SGH) now SGLG, promotes transparency and accountability in local operations. SGLG therefore, challenge local governments to continue good governance practices while providing better public services.

The Conferment Ceremony of the Seal is set on October. This recognition continues to inspire LGUs to raise the bar of Public Service.

Ian Guarino
DILG, PIO-Designate

BANGKAY NG LALAKI NA BINARIL NG MGA PULIS SA MAKATO ISASAILALIM SA OTOPSIYA

[Update] NAKATAKDANG ISAILALIM sa otopsiya ang bangkay ng lalaki na nabaril ng kapulisan gabi ng Linggo sa Brgy. Aglucay, Makato.

Si Cipriano Condez ay nanlaban umano sa mga kapulisan na rumesponde sa lugar. Hinahamon umano niya ng patayan ang kanyang kapatid habang bitbit ang baril.

Pinaniniwalaang naubusan siya ng dugo habang ginagamot sa provincial hospital dahilan para bawian ng buhay.

Isinailalim narin sa paraffin test si Condez. Matatandaan na armado ng .357 revolver ang lalaki at nakapagpaputok pa ng baril sa harap ng kapulisan.

Inamin naman ni PO2 James Padasas na isa siya sa mga nakabaril sa lalaki. Nabaril din umano siya ni PO3 Judie Bautista.

Sinampahan ng kasong Direct Assault Upon Agent of Person in Authority with the Use of Firearm si Condez sa pamamagitan ng inquest proceeding kahit na ito ay patay na.

Isasailalim rin sa ballistic examination ang baril ng lalaki, ang baril ng mga pulis, at mga bala na narekober.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo

MAGKAPATID BINUGAHAN NG USOK NG SIGARILYO AT SINAKSAK!

Pangungursunada ang nakikitang motibo sa pananaksak sa isang lalaki sa Roxas Avenue Kalibo ala- una pasado ng madaling araw.

Kinilala ang biktima sa pangalang Mikko Angelo Songco 23- anyos na taga Magdalena Village New Buswang Kalibo.

Kinilala naman ang mga suspek na sina Kenjie Mark Itulid 25 anyos na taga Catabana Madalag, at Baltasar Billo 41- anyos na taga Brgy Bakhaw Sur Kalibo.

Sa imbestigasyon ng Pulisya kumakain raw ang biktima sa loob ng Andoks kasama ang kuya nito na si Mikko nang dumating ang mga lasing na suspek.

Binugahan raw ng mga suspek ng usok ng sigarilyo sa mukha si Mikko na nagresulta sa kumprontasyon.
Hanggang sa sinaksak na ng mga ito ang biktima.

Mabilis na nakaresponde sa lugar ang mga pulis at naaresto ang mga suspek.

Depensa ng isa, hindi raw siya ang nakasaksak dahil wala raw dugo yong tatlong kotsilyo na narecover sa kanila.

Nang tanungin ng news team kung sino talaga ang sumaksak sumgot ito na " wa ako kasayod (di ko alam) bugbog ako"

Sa ngayon ay patuloy na ginagamot sa Hospital ang biktima.

Samantala nakakulong na sa kalibo PNP ang mga suspek.

- Archie Hilario, Energy FM Kalibo

Monday, October 01, 2018

DPWH CONSTRUCTS 4-STOREY MARINA WESTERN VISAYAS BUILDING

THE DEPARTMENT of Public Works and Highways (DPWH) completes a new 4-storey maritime facility that will serve as the headquarters for Maritime Industry Authority (MARINA) in Region 6.

An inauguration ceremony for the new building was spearheaded by Angkla Partylist Representative Jesulito A. Manalo, MARINA Administrator Rey Leonardo B. Guerero, Iloilo Provincial Governor Arthur D. Defensor Sr., Iloilo City Lone District Representative Jerry P. Treñas and MARINA 6 Regional Director Rizal J. Victoria and DPWH Regional Office VI represented by Construction Division Chief, Engr. Ormel G. Santos

Engineer Santos said the ship-inspired building with roof deck and elevator was constructed along Muelle Loney Street in Iloilo City and received an allocation of P59.4 million under 2016 General Appropriations Act (GAA).

Built to house MARINA employees and cater to the needs of seafarers in the region, the new MARINA Region 6 Building is also the first ever constructed MARINA Regional Office building in the country.

“With the construction of MARINA building, we hope to advance the interest of the Ilonggo’s maritime sector, promote maritime development, and provide safety through better information, cooperation and unity of effort among stakeholders of the maritime industry,” said Engineer Santos.##

LALAKI NANLABAN SA PULIS MAKATO, BINARIL PATAY

PATAY ANG isang lalaki makaraang barilin ng mga rumespondeng pulis sa Brgy. Aglucay, Makato gabi ng Linggo.

Ayon sa kapulisan nanlaban ang suspek na kinilalang si Cipriano Condez y Tiongson, nasa legal na edad at residente ng nasabing lugar.

Una rito, humingi ng responde ang kagawad ng barangay sa Makato PNP makaraang magpaputok ng baril ang suspek sa kanilang barangay.

Napag-alaman na hinahamon ng patayan ng nakainon na suspek ang kanyang kapatid na si Junio Condez habang bitbit niya ang .357 revolver.

Pagdating ng kapulisan, pinakakalma umano nila ang suspek pero sa halip na sumunod ay tinutukan pa niya ng baril ang tropa at akmang mambaril.

Matapos ang ilang negosasyon ay binaril ng pulis ang suspek na tinamaan sa kanyang mga paa at dinala ito sa ospital.

Makalipas ang ilang oras, binawian rin ng buhay ang suspek habang ginagamot sa intensive care unit ng hospital. Sa impormasyon ng Energy FM Kalibo, lost of blood umano ang ikinamatay ng suspek.

Nasa pangangalaga naman ng Makato PNP ang baril, isang fire cartridge at limang live ammunition.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo