Aabot sa mahigit 900 estbalishment sa Boracay island na nakitaan ng paglabag ang inisyuhan na ng show cause order ng Department of Environment and Natural Resources.
Ayon kay Environmental Undersecretary Jonas Leones, sakop nito ang mga resorts at hotels sa forestlands at wetlands. Under evaluation na umano ang mga ito at kung hindi susunod ay mahaharap sa posibleng demolition.
Nilinaw naman ni Leones na sa loob ng 6 buwan lang din ang pagsasara ng mga establisyemento.
Humingi na rin umano sila ng paliwanag at mga kinakailangang dokumento sa mga ‘violator’ kaugnay dito.
Dagdag pa ni Leones, na namomroblema ang ahensya kung paano ilalabas ang mga basura sa isla. Nasa 90 hanggang 115 tons ang dami ng mga basura sa Boracay pero nasa 30 hanggang 50 tons lang ang nakukuha dito.
Nabatid na hindi uubra ang phase by phase approach kaya 6-month closure ang nirekomenda sa Boracay.
Samantala, Iniimbestigahan din ang ahensya ang kanilang sariling hanay para malaman kung may kailangan bang managot dahil sa alegasyon ng katiwalian at kapabayaan sa ahensiya.
Nito lang Pebrero, matatandaang tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “cesspool” o imbakan ng dumi ang islang dinarayo ng mga turista mula sa iba’t ibang panig ng mundo./ Radyo INQUIRER
▼
Saturday, April 07, 2018
CIMATU TUTOL SA CASINO PROJECT SA BORACAY
Hindi aprubado ni Environment Secretary Roy Cimatu ang planong pagpapatayo ng 23 ektaryang casino sa Boracay.
Ayon kay Cimatu, maraming ibang lugar na pwedeng pagtayuan ng casino.
Ang Boracay anya ay hindi ang uri ng lugar para sa casino dahil limitado ang kapasidad ng isla.
Iginiit din ng kalihim ang layon ng gobyerno partikular ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maibalik ang sikat na tourist destination sa dati nitong ganda.
Sinabi pa ni Cimatu na wala silang natatanggap na hiling sa permit para sa konstruksyon ng casino sa Boracay at nagulat sila sa balita na sinimulan na umano ang pagtatayo nito.
Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag si Cimatu sa nasabing plano dahil wala naming lumalapit sa kanilang mga negosyanteng Chinese.
Gayunman, ayon sa kalihim, kapag natuloy ang plano ay kailangang sumunod ang casino project sa environmental regulations.
Una rito ay nagbigay ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng provisional license sa Macau-based company Galaxy Entertainment at Filipino partner nito na Leisure and Resorts World Corp./ Radyo INQUIRER

DRAFT GUIDLINES INILABAS NG GOBYERNO KAUGNAY NG PAGSASARA SA BORACAY
Wala pang final guidelines ang gobyerno kung paano ipatutupad ang shutdown [ng Boracay] pero sa kanilang draft, nakasaad na simula Abril 26 ay haharangin na ang mga turista sa Jetty Port.
Kakailanganin din ng mga residente at empleyado na magpakita ng official ID na may address para makalabas-masok sa isla.
Bawal na rin ang swimming sa beach sa loob ng shutdown.
Papayagan naman ang media na pumasok pero may prior approval dapat at sigurado ang petsa kung hanggang kailan lang nasa isla.
Ire-revalidate ng Bureau of Immigration ang mga foreign residents at iisa lang din ang gagawing entry at exit point ng Boracay.
"We are serious on this...What’s the use of closing Boracay if you allow one, two or three persons to violate?" ani Department of the Interior and Local Government officer-in-charge Eduardo Año.
Handa naman ang gobyerno sakaling umabot sa korte ang naturang pagpapasara sa isla./ ABS-CBN News

Friday, April 06, 2018
P2B CALAMITY FUND, ILALAAN PARA SA MAAAPEKTUHANG BORACAY WORKERS
Maglalaan ang administrasyong Duterte ng calamity fund na aabot sa P2 bilyong piso para sa mga manggagawa na maaapektuhan ng nakatakdang pagpapasara sa isla ng Boracay mula April 26.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa pulong balitaan sa Malacañang.
Ani Roque, ang halagang ito ay batay sa binanggit mismo ng Department of Finance.
Samantala, sinabi rin ni Roque na inaasahan ang pagdedeklara ng pangulo ng state of calamity sa isla.
Gayunman anya, iginigiit ng pangulo na ang perang ilalabas para sa calamity fund ay hindi dapat mapakinabangan ng resort owners kundi para lamang sa mga manggagawa.
Ayon pa kay Roque, nasa 35,000 manggagawa mula sa iba’t ibang establisyimento ang kasalukuyang nagtatrabaho sa Boracay ngunit hindi naman lahat ay mawawalan ng trabaho.
Ang iba ay kailangan lamang magpalit ng hanapbuhay o trabaho sa ngayon.
Iginiit naman ng kalihim na tutulong ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga maaapektuhang manggagawa./ Radyo INQUIRER

Thursday, April 05, 2018
MAS MAGANDANG UGNAYAN NG MEDIA AT SANGGUNIANG BAYAN NG KALIBO PINASIGURO KASUNOD NG BINUONG PRESS CORPS
Inaasahan na magiging mas maganda pa ang ugnayan ng Sangguniang Bayan ng Kalibo at ng mga media para sa pag-unlad at kapakanan ng mamamayan.
Kasunod ito ng pagbuo ng press corps ng mga media na regular na kumukuber sa Sanggunian.
Ang mga opisyal ng press corps ay pormal ng sumumpa sa posisyon araw ng Huwebes na pinangasiwaan ni Vice Mayor Madeline Regalado.
Narito ang mga opisyal ng Kalibo Sangguniang Bayan Press Corps (KSBPC):
President: Jun Agguire, GMA News TV
Vice President: Arnel Vicente, Brigada News FM Kalibo
Secretary: Doniel Aguirre, Radyo Natin Kalibo
Asst. Secretary: James Ramos, Barangay RU 92.9
Treasurer: Rhenz Navida, RMN DYKR
Business Manager: Alex Magno, Radyo Todo Aklan
Auditor: Recto Vidal, Energy FM Kalibo
Board of Directors:
*Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
*Ronnie Biliones, Bombo Kalibo
*Chita Heap, Aklan Reporter
Nagpaabot naman ng pagbati at pagsuporta ang mga miyembro ng Sanggunian sa mga inducted officer ng first-ever press corps ng SB Kalibo.
Plano ngayon ni Jun Aguirre, president ng KSBPC na iparehistro sa Security and Exchange Commission ang organisasyon at ipaacredit ito sa Sanggunian.

14-ANYOS NA BATA PATAY NANG MALUNOD SA ILOG SA LIBACAO
Patay ang isang batang lalaki matapos malunod sa ilog sa Brgy. Poblacion, Libacao Huwebes ng hapon.
Kinilala sa report ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ang biktima na si Marvin Sendon, 14-anyos residente ng nasabing lugar.
Naligo umano ang biktima sa ilog kasama ang mga kaklase galing eskwelahan. Ayon sa mga kaklase, tumalon umano ito sa malalim na bahagi ng ilog at hindi na nakita pa.
Pinaghahanap naman ng mga kasama ang biktima at humingi ng tulong sa MDRRMO.
Umabot pa ng nasa isang oras bago natagpuan nang rumesponding rescuer ng MDRRMO ang biktima sa ilalim ng ilog.
Agad naman siyang dinala sa tabing-ilog at inaplayan ng CPR saka isinugod sa ospital ng Libacao pero hindi na ito umabot ng buhay.
Nabatid na hindi gaanong marunong lumangoy ang biktima. Wala naman umanong foul play sa nasabing insidente./ Darwin Tapayan, EFM Kalibo

STATEMENT IN RESPONSE TO SEC. HARRY ROQUE JR.’S ANNOUNCEMENT
For Immediate Release
April 5, 2018
STATEMENT IN RESPONSE TO SEC. HARRY ROQUE JR.’S ANNOUNCEMENT
BORACAY ISLAND, MALAY - The haze of uncertainty for the past weeks has now been replaced by a grim realization that closure is indeed happening; sooner than expected and with less than a month to prepare. For too many members of the Boracay community, life has gone from confusing to disappointing, to despairing.
In the absence of clear guidelines communicated to us, we believe it is too premature for us to issue specific statements pertaining to the closure. The reality is that the BFI is just as confused as everyone else, because the pronouncement came too soon with no clear and specific guidelines presented to us. We have sought an opportunity to dialogue with the concerned agencies in an effort to seek help and guidance, with the following questions in mind:
1) What are the specific closure and rehabilitation plan and timeline?
2) The government is looking after the welfare of all the employees – formal or informal, who inevitably will be affected by the closure of Boracay, how will the government identify who are qualified to receive support? What identification or specific documentation do they need to present to avail of this? When will this support be made available? What will be the basis of the amount of support to be provided to each worker?
3) Will the government intervene for small or big businesses that have availed of loans by mandating banks to relax their terms/moratorium as businesses will be unable to pay their loans due to loss of income?
4) Regarding taxes, will the government temporarily suspend the collection of taxes of island tourism establishments due to the stoppage of commercial operations?
5) How will they regulate the entry and exit of residents to and from the island, which is home to more than fifty thousand (50,000) residents?
6) During the rehabilitation, will the utilities continue to service the community?
7) Are there safeguards in place to prevent any possible abuse in the distribution of assistance by the government?
8) With the limited access into and out of the island, will the residents be assured of a stable supply of basic necessities such as rice, food, toiletries, etc?
9) Once sanctions are applied to the LGUs, who will be in charge of Boracay? What is the extent of their authority?
10) It was mentioned that there is a chance of re-opening earlier than six months, what benchmark should be met so this can be achieved?
The BFI believes that the key issues of Boracay will be addressed even less than six months with the help and cooperation of all sectors concerned, with proper planning and sufficient funding.
Again, we thank PRRD for listening and taking the lead in addressing decades-old problems; problems such as this “cesspool” issue that, for years, the BFI has been in the forefront of bringing to light. We all want the same thing; we all agree that rehabilitating Boracay is a must. We should all see ourselves as working side by side, attacking the problems constructively, instead of confronting each other. We are optimistic that all the uncertainties that we are currently facing will soon be resolved.
For more information, please contact us:
Tel No: (036) 288 3971 (Office Hours: 9 am – 5:30 pm)
E-mail: boracayfoundation@yahoo.com
Facebook: Boracay Foundation Inc

DREDGING SA AKLAN RIVER ITUTULOY NG STL SA KABILA NG MGA PAGTUTOL
Itutuloy ng STL Panay Resources Co., Ltd. ang pagdredge sa Aklan river sa gitna ng pagtutol ng ilang mga residente sa Kalibo.
Ito ang kinumpirma ni Engr. Roger Vergara, project engineer ng STL, sa isang press conference Miyerkules ng gabi.
Ayon sa kanya, sa susunod na linggo ay sisimulan na ang operasyon. Miyerkules ng umaga ay dumating na ang dredging vessel at barge ng STL.
Paliwanag niya, lahat umano ng dokumento para sa proyekto ay nacomply na nila. Naalis narin umano ang cease and desist order na ibinaba ng Department of Environment and Natural Resources.
Kinumpirma niya na tanging buhangin lamang ang kukunin at dadalhin sa Singapore para sa reclamation purpose. Pinabulaanan niya na ito ay mining.
Ayon sa Memorandum of Agreement ng STL sa gobyerno probinsiyal, 15 million cubic meter ang kukuning buhangin ng STL sa ilog.
Ang proyekto umano ay libre at kapalit nito ay magbibigay pa ng Php5 bawat cubic meter ang STL sa gobyerno provincial. Daragdagan pa umano ito ng Php2 para sa mga barangay na direktang maaapektuhan nito.
Nabatid na walong barangay sa Kalibo at limang barangay sa Numancia ang direktang maaapektuhan ng proyekto.
Pinasiguro naman ni Vergara na susunod sila sa mga pamatayan ng pamahalaan sa pagpapatupad ng proyekto.
Layunin ng proyekto na maibsan ang pagbaha sa Kalibo at Numancia./ Darwin Tapayan, EFM Kalibo

ACTION PLAN PARA SA MGA MAAPEKTUHANG RESIDENTE NG REHAB SA BORACAY ISLAND, INIHAHANDA NA NG DSWD
Inihahanda na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang action plan upang makatugon sa posibleng magiging epekto ng pagsasara sa isla ng Boracay sa ilang mga residente.
Ito ay kasunod ng pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsasara sa isla mula April 26.
Ayon kay DSWD Officer-in-Charge Emmanuel Leyco, makikipag-ugnayan ang kagawaran sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na makabuo ng action plan upang hindi maging pawang negatibo lamang ang epekto ng nakatakdang pagsasara sa isla.
Ayon kay Leyco ilan sa mga posibleng problema na kaharapin ng mga residente partikular ang mga benepisyaryo ng DSWD at senior citizens ay ang pagkawala ng kanilang bahay na tinitirhan at ng kabuhayan.
Inaalam na anya ng kagawaran ang bilang ng tao na posibleng mangailangan ng tulong.
Maari namang magamit ng mga maaapektuhang pamilya ang ilan sa mga serbisyo at programa ng DSWD kabilang ang Sustainable Livelihood Program (SLP), Cash-for-Work (CFW), at Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS)./ Radyo INQUIRER

PAL AT CEBU PAC, NIREBISA ANG BIYAHE PA CATICLAN AT KALIBO MULA ABRIL HANGGANG OKTUBRE
Inanunsyo na ng Philippine Airlines (PAL) at Cebu Pacific Air sa pamamagitan ng kanilang mga social media accounts ang kanselasyon ng kanilang mga biyahe mula sa huling bahagi ng Abril hanggang sa Oktubre.
Ito ay bunsod ng pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa rekomendasyon ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng Department of Tourism (DOT) na isara ang Boracay Island sa loob ng anim na buwan na magsisimula na sa Abril 26.
Sa isang pahayag, sinabi ng PAL na suportado nito ang naging desisyon ng gobyerno na pansamantalang isara ang isla ngunit ipagpapatuloy pa rin ang serbisyo patungong Boracay at lalawigan ng Aklan.
Dahil dito, babawasan ng airline company ang kanilang mga biyahe patungong Caticlan at Kalibo habang paparamihin naman ang flights sa iba pang lalawigan sa nasabing mga petsa upang masiguro ang domestic tourism.
Magkakaroon ang PAL ng siyam na weekly flights sa pagitan ng Maynila at Kalibo habang pito naman sa pagitan ng Maynila at Caticlan.
Ang iba pang biyahe pa Caticlan at Kalibo mula Maynila ay suspendido na epektibo mula April 20 hanggang October 27 habang ang biyahe pa-Caticlan mula Clark at Cebu ay suspendido na rin mula April 26 hanggang October 27.
Simula April 20 ay magdedeploy ng karagdagang flights ang PAL sa pagitan ng Maynila at Cebu, Iloilo, Puerto Princesa at Bacolod.
Nagkansela na rin ang Cebu Pacific ng maraming biyahe pa-Caticlan at Kalibo mula naman April 26 hanggang October 25.
Gayunman, may mga flights pa ring inilaan sa piling mga schedule upang maserbisyuhan ang mga lokal na residente at masiguro pa rin ang estado ng pagnenegosyo sa hilagang bahagi ng lalawigan ng Panay.
Nag-abiso na rin ang dalawang major airlines sa rebooking at refund ng mga pasahero kasunod ng kanselasyon ng mga biyahe./ Radyo INQUIRER

Wednesday, April 04, 2018
IPASASARADO NA ANG BORACAY
MAYOR LACHICA AT ILANG RESIDENTE SA KALIBO TUTOL PARIN SA DREDGING NG AKLAN RIVER
Tutol parin si Mayor William Lachica at ilang residente sa bayan ng Kalibo kaugnay ng planong pagbuhay ng dredging project sa Aklan river.
Nanindigan si Mayor Lachica na hindi siya sang-ayon sa dredging project sa Aklan river hanggang walang proteksyon ang ilog.
Ito ang naging pahayag ng alkalde umaga ng Miyerkules sa panayam ng Energy FM Kalibo kaugnay ng balitang sisinulan na ang dredging sa ikalawang linggo ng Abril.
Umaga ngayong araw ay dumating na ang dredging vessel ng STL Panay Resources Co. Ltd. at umaangkorahe sa baybayin ng probinsiya.
Ipinagtataka ni Mayor Lachica kung bakit sa kabila ng pagtutol na ito ng mga residente ay itutuloy parin ng gobyerno provincial at project partner na STL.
Ganito rin ang paninindigan ni Punong Barangay Maribeth Cual ng Bakhaw Norte, Kalibo at ilang residente sa nasabing barangay na direktang apektado ng proyekto.
Matatandaan na naunsyami ang operation matapos na mismong si dating DENR Secretary Gena Lopez ang nag-utos na itigil ang dredging buwan ng Enero ng nakaraang taon.
Kasunod iyon ng mga pangamba ng ilan lalu na ng mga taga-Brgy. Bakhaw Norte, Kalibo na ang nasabing proyekto ay magdudulot ng pagguho ng lupa sa mga tabing-ilog./ Darwin Tapayan, EFM Kalibo

PANGANGALAGA SA LIKTINON WHITE ROCKS NG MADALAG PINASIGURO NG PAMAHALAANG LOKAL
photo (c) flickr |
Kasunod ito ng pag-apruba ng Sangguniang Panlalawigan sa kanilang regular session Martes ng hapon sa ordenansa na nagtatakda ng Php20.00 na environmental and admission fee sa mga turista kapwa lokal at foreigner.
Ayon kay Escot Intela, municipal tourism officer, ang ordinance no. 2017-001 ay binuo dahil narin sa tumataas na bilang ng mga turista na dumarayo sa natural rock formation na ito sa Timbaban River.
Paliwanag ng opisyal, gagamitin umano ang malilikom na pondo para sa pag-maintain ng kalinisan ng lugar at sa pagdaragdag ng mga kaukulang pasilidad rito.
Sa ngayon anya ay nagtayo na ng mga comfort room at shower room ang munisipyo roon para sa mga bisita. Plano ring buksan ang itinayong tourim information center doon.
Nilinaw naman ni Hannibal Cometa, Sangguniang Bayan secretary ng Madalag, na libre sa mga Madalagnon sa environmental at admission fee at mga bata 12-anyos pababa base sa ordenansa.
May 20 porsyentong deskwento naman ang mga senior citizen, person with disabilities, at estudyante.
Magkakaroon naman ng bahagi ang Barangay ng Ma. Cristina sa kikitain.
MAS MASAYA AT MAKULAY NA "BUGNA IT TANGAEAN" PINAGHAHANDAAN NA NG LOKAL NA PAMAHALAAN
Pinaghahandaan na ngayon ng pamahalaang lokal ng Tangalan ang kanilang piyesta sa darating na Mayo tampok ang mga lokal na produkto at mga tanawin sa bayan.
Inaasahan na magiging masaya at makulay ang selebrasyon ng "Bugna it Tangaean" ngayong taon dahil sa mga bagong aktibidad.
Ayon kay Mayor Gary Fuentes, isa sa mga aabangan ay ang search for Mr. and Ms. Bugna it Tangaean na lalahukan ng mga kandidata mula sa 15 barangay.
Kaiba umano sa unang Mr. and Ms. Bugna na pinipili through popularity vote, ngayon ay may talent show at question and answer portion na bilang bahagi ng pageant o beauty search.
Sa Mayo rin ay may patimpalak ang pamahalaang lokal sa pagpili ng magiging opisyal na municipality hym.
Sa Mayo 15 at 16 ang highlight ng sanglinggong pagdiriwang kung saan matutunghayan ang float parade at street dancing ng mga kabarangayan.
Ipinagmalaki rin ni Mayor Fuentes na kinakatawan ngayon ni Ms. Noelle Fuentes ang bayan ng Tangalan sa Ms. Earth pageant na opisyal na magsisimula ngayon Abril 14.
Samantala, inaprubahan na ng kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang pagdideklara ng Hulyo 31 tuwing taon bilang 'Tangalan Day'.