Isinusulong ngayon ng pamahalaang nasyonal na isailalim ang isla ng Boracay sa state of emergency o calamity sa loob ng anim na buwan.
Ito ang pinahayag ni Department of Interior and Local Government Asec. Epimaco Densing III sa isang press conference ngayong araw sa Kalibo, Aklan.
Iminungkahi na umano niya ito sa technical working group matapos siyang atasan na pangunahan ang grupo sa imbestigasyon sa kurapsyong nagaganap sa isla.
Paliwanag ni Asec. Densing, kapag nangyari ito ay iti-take-over ng national government ang operasyon sa Boracay. Paraan rin umano ito para malaanan ng kaukulang pondo ang tourist spot upang isaayos ang mga istraktura dito.
Dagdag pa ni Densing, ito rin ang magtutulak sa kanila para paigtingin ang imbestigasyon sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Malay at ng probinsiya.
Kinukuwestiyon ng opisyal kung saan napupunta ang koleksiyon ng pamahalaang lokal sa environmental at terminal fee sa isla. Nais niyang mapanagot ang mga nasa likod sa kurapsyong ito.
Sa Pebrero 21 ay darating umano sa Boracay ang iba-iba ahensiya ng pamahalaan nasyonal sa posibleng pagbaklas ng mga iligal na istraktura sa isla.
May posibilidad rin umano na ipasara ang isla sa loob ng 60 days. Kaugnay rito, tinitingnan na umano nila ang pagbibigay ng tulong sa mga apektado.
Samantala, denepensahan naman ni Densing ang pangulo sa mga kritiko niya na mis-informed ito tungkol sa kalagayan ng isla.
Ang opisyal ay nasa probinisya para pangunahan ang paglulunsad ng anti-graft and corruption campaign ng isang federalism advocate group.
▼
Saturday, February 17, 2018
SAAN NAPUNTA ANG KITA SA CAGBAN AT CATICLAN PORT, SINAGOT NG LGU AKLAN
Nagbalik tanaw ang Fb page ng Province of Aklan at isinulat nila ang mga katagang ito bilang tugon sa mga nagtatanong kung saan napunta ang koleksiyon sa terminal fees sa Cagban at Caticlan Port:
"To those who missed out this quick guide to where your Caticlan and Cagban terminal fees go, here are some slides during SOPA 2017 for your information.
Based on the data, the three hospitals (Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital, Ibajay Hospital and Altavas Hospital) that is being managed by the provincial government sourced its hospital operations from the net income of the Caticlan and Cagban Jettyport.
2014-2016:
486 MILLION pesos required to sustain hospital operations from the net income of 690 MILLION from the Caticlan and Cagban fees.
Did you know that the TOTAL OPERATING COST of DRSTMH, Ibajay Hospital and Altavas Hospital from 2014-2016 is 1.1 BILLION and its TOTAL HOSPITAL REVENUE is 592 MILLION ONLY.
This income-generating venture of the province serves its purpose of supporting social services to the indigents, as this is one of the priorities set by Gov. Florencio T. Miraflores.
Abo gid nga saeamat sa mabahoe ninyong bulig nga makatao ro gobierno probinsyal sa mga kubos natong mga igmanghod it serbisyo medikal.
Feel free to share, so that we can all appreciate the REAL FACTS as to where your terminal fees is being utilized by the provincial government under GOVERNOR FLORENCIO T. MIRAFLORES."

KALSADA SA NUMANCIA, BINASBASAN PARA MAILAYO SA DISGRASYA ANG MGA MOTORISTA
photo (c) Numancia PNP |
Sa ulat kasi ng Numancia municipal police station, mataas na mga kaso ng aksidente sa kalsada ang naitala rito at ilan ay namatay.
Kamakailan lang, isang motorsiklo ang nabundol ng bus sa nasabing lugar. Patay ang isa sa mga sakay nito samantalang malubha ang isa. Nabatid na parehong nakainom ang dalawa.
Pinangasiwaan ang pagbababasbas na ito nina Fr. Richie Sarabia at Fr. Jose Relente ng Numancia Parish.
Saksi rito ang mga opisyal ng barangay at mga kapulisan. Sa kabila nito, paalala parin ng mga otoridad na sumunod sa batas trapiko at ibayong pag-iingat kapag nagbibiyahe para iwas disgrasya. /
Friday, February 16, 2018
MGA ATI SA NUMANCIA, NAKABENIPISYO SA LIBRENG DENTAL AT MEDICAL MISSION
Nagsagawa ng libreng medical-dental at feeding mission ang iba-ibang non-government organization sa Ati Community sa Brgy. Bulwang, Numancia ngayong umaga.
May libre ring hygiene kit at mga gamot na ibinigay para sa mga ati. Tinatayang nasa 60 mga kabataan ang sumailalim sa dental mission.
Ang proyektong ito ay sa pagtutulungan ng Soroptimist International Club, Wesel & Police Hotline Movement Inc., Guardian Brotherhood, Carl Balita Review and Training Center and Aklan State University.
Ayon sa lider ng Ati Community, ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng ganitong proyekto sa kanila kaya lubos ang kanilang pasasalamat sa biyayang ito at sa mga taong nasa likod nito.

Thursday, February 15, 2018
ILANG OPISYAL NG AKLAN IIMBESTIGAHAN DAHIL SA PAGDUMI NG BORACAY
Iniimbestigahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang posibleng pananagutan ng mga lokal na opisyal sa Aklan sa umano’y krisis sa Boracay.
Ipinahayag ni DILG Secretary Eduardo Año na inilunsad na nila ang imbestigasyon dahil dapat ay mahigpit na ipinatupad ng mga opisyal ang environmental law sa nasabing tourist spot.
Kinuwestyon ni Año ang pagpayag ng local government units sa pagtatayo ng mga struktura sa forest lands.
Nagbabala ang kalihim na sasampahan nila ng kasong administratibo at kriminal ang mga opisyal batay sa mga ebidensyang makakalap.
Tiniyak ni Año na pinabibilis nila ang imbestigasyon.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, hindi bababa sa 50 establishemento sa Boracay ang binigyan ng notice dahil sa paglabag sa water treatment laws.
Una nang nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na ipasasara ang naturang tourist spot kapag hindi nalinis sa loob ng anim na buwan. - Radyo INQUIRER

SUNUD-SUNOD NA PAGKAMATAY NG APAT NA BATANG MAGKAKAPATID DAHIL SA UMANO'Y GUTOM AT SAKIT IKINABAHALA NG SANGGUNIANG BARANGAY SA KALIBO
Ikinabahala ng mga opisyal ng isang barangay sa Kalibo ang sunud-sunod na pagkamatay ng apat na batang magkakapatid sa kanilang lugar dahil umano sa pagkakasakit at gutom.
Kaugnay rito nagpatawag ng pagpupulong ngayon araw ang Sangguniang Barangay kung paano matuganan ang naturang problema.
Nabatid na ang mga bata ay may sampu pang nabubuhay na mga kapatid at ikinababahala ng barangay ang magiging kalagayan ng mga ito lalu at walang permanenteng trabaho ang mga magulang.
Sa loob ng anim na taon, apat na mga bata ang namatay. Pinakahuling namatay Disyembre ng nakaraang taon ang kanyang anak na lalaki na mahigit dalawang taon palang.
Ang panganay na 18-anyos na babae ay bago lang nanganak.
Napansin ng barangay na tila nagiging gala na ang mga bata, hindi na nakakapasok sa paaralan at nasasangkot rin sa ilang kaso ng nakawan.
May mga pagkakataon na may mga lumapit na na grupo at indibidwal para ampunin ang mga naturang bata subalit mismong ang nanay ang umaayaw na ipaampon ang mga ito.
Tatlo sa mga bata ay benipesaryo ng 4Ps pero isa sa mga ito ay inalis na dahil hindi pumapasok sa eskwela.
Kaugnay rito, plano ng barangay na i-rescue ang mga bata. Kung magpupumilit umano ang mga magulang at hindi maisayos ang sitwasyon ng mga anak ay posible umano silang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 7610.
Nakikipagtulungan na ang barangay sa Social Welfare Office, sa Health Office at sa mga kapulisan para matugunan ang kanilang problema.
Samantala, dinalaw ng Energy FM Kalibo ang nasabing pamilya upang kapanayamin. Itinanggi ng ina na pinapabayaan niya ang mga bata at namatay ang apat hindi dahil sa gutom.
Nanindigan siya na ayaw niyang ipaampon ang mga anak.

PAGTA-TATTOO AT BODY-PIERCING NAIS I-REGULATE NG SANGGUNIANG BAYAN NG KALIBO
Isinusulong ngayon sa Sangguniang Bayan ng Kalibo ang pag-regulate sa pagta-tattoo at body-piercing dahil sa panganib na dulot nito sa kalusugan.
Ayon kay SB member Cynthia Dela Cruz, posible anyang magkaroon ng sakit sa balat ang mga nagpapatattoo o nagpapa-body-piercing. Kabilang rito ang hepatitis at titanus.
Posible rin anyang mahawaan ng AIDS o HIV ang mga sangkot sa mga body-modification.
Kaugnay rito, nais ng may-akda na magkaroon ng mga kaukulang permit mula sa munisipyo ang mga tatoo parlor o body-piercing facility.
Kailangan rin anya na ang tattoo artist at iba pang sangkot sa gawaing ito ay sumailalim sa mga training alinsunod sa mga pamantayan ng Health Office.
Ipagbabawal rin ang pagtatattoo o pag-body-pierce sa mga menor de edad maliban lamang sa mga kadahilanang medikal.
Panukala ng opisyal, papatawan ng hindi bababa sa Php2,500 ang sinumang lalabag dito o posibleng pagkansela ng lisenya o pagkakulong ng isang buwan.
Sasailalim pa sa mga pagdinig at pag-aaral ng Sanggunian ang nasabing panukala.

TATLONG LASING TUMAKBO NANG SITAHIN NG PULIS, MOTORSIKLO AT MGA TSINELAS NAIWAN
Sinita ng pulisya ang tatlong lasing na lalaki na sakay ng motorsiklong ito sa Osmeña Avenue alas onse pasado kagabi.
Ayon sa PNP Kalibo nakasalubong nila ang tatlo at pagiwang-giwang ang takbo nag motor at lumalagpas na sa kanilang lane.
Nang sitahin ng pulis nagalit ang mga ito at sinabahing "F*ck kayo!" saka biglang ini-arangkada ang motor.
Hinabol sila ng PNP hanggang sa makarating sa Villa Ester sa New Buswang kung saan nawalan ito ng balanse at natumba.
Pagkatumba agad tumakbo ang mga ito sa kasagingan at naiwan ang motor, tsinelas at sapatos.
Nasa kustodiya na ito ng PNP sa ngayon. Inaalam pa kung sino ang mga sakay nito.

PANGULONG DUTERTE MISINFORMED UMANO TUNGKOL SA BORACAY AYON KAY GOV. MIRAFLORES
Naniniwala si Aklan Governor Florencio Miraflores na maling impormasyon ang nakarating sa pangulo ng bansa hinggil sa kalagayan ng baybayin sa Isla ng Boracay.
Ito ang sinabi ng gobernador sa naganap na pagpupulong ng mga stakeholder araw ng Miyerkules hinggil sa pahayag at hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaan na tinawag ni Duterte na 'tapunan' ng basura ang Boracay at nagbanta na kapag hindi naayos ang suliranin sa dumi at basura sa loob ng anim na buwan ay ipasasara niya ito.
Nilinaw naman ng gobernador na maaaring pamamaraan lamang ito ng pananalita ng pangulo na kailangan na ang agarang pagkilos para malutas ang mga problema sa isla.
Aminado naman ang gobernador na may kakulangan rin ang pamahalaang lokal ng Malay at probinsiya at maging ang pamhalaang nasyonal sa umano'y kakulangan ng suporta.
Sa kabila nito sinabi niya na hindi ito ang panahon para magsisisihan kundi dapat ay magtulungan ang lahat.
Kaugnay rito, nangako si Miraflores ng limang milyong piso para pondohan ang agarang pagsasaayos ng drainage at sewerage system ng Boracay. Nangako rin ng dagdag na limang milyon ang DENR-6 para sa parehong layunin.
Samantala, sa report ng DENR-EMB, bagaman mataas ang coliform contamination sa Bolabog Beach sa isla, hindi pa umano ito umabot sa lebel na hindi na ligtas sa tao. Ipinakita rin na ang iba pang bahagi ng baybayin ay malinis para paliguan.

DENR: MGA ESTABLISHEMENTO NA DAHILAN NG PAGDUMI NG BOCARAY TUKOY NA
Sinabi ng Department of Environment and Natural resources na umaabot sa 51 mga establishment ang target ng kanilang closure order sa Isla ng Boracay.
Kabilang dito ang ilang mga restaurants, hotels at mga transient houses.
Ayon kay Environment Sec. Roy Cimatu, tatargetin rin nila ang mga nadiskubreng informal settlers sa Isla na kabilang sa mga dahilan kung bakit naging marumi ang paligid ng sikat na tourist spot.
Ipinaliwanag ni Cimatu na kanilang isisilbi ang notice of violations sa mga ito sa susunod na linggo.
Nauna dito ay binigyan lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ng anim na buwan ang DENR at ang mga may-ari ng establishmento sa Boracay para ayusin at linisin ang kanilang kapaligiran.
Balak rin ng pangulo na isara sa mga turista ang buong Boracay kung mabibigo ang mga ito na magsagawa ng paglilinis sa isla.
Pinuna rin ng pangulo ang lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan na siyang nakasasakop sa Boracay dahil sa kanilang pagpapabaya na alagaan ang kapaligiran ng nasabig tourist destination. - Radyo Inquirer

Wednesday, February 14, 2018
300 ESTABLISYIMENTO SA BORACAY, NAHAHARAP SA CLOSURE ORDER
Nahaharap ngayon sa closure order ang 51 mga establisyimento sa isla ng Boracay dahil sa hindi ito nakakonekta sa wastewater treatment facility at pagtatapon ng kanilang sewage sa baybayin.
Nabatid na inilabas ang kanilang notice nito lang Pebrero 13 sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9275 o ang Clean Water Act of 2004.
“We will give these establishments three to five days to respond. Otherwise, we will cut their water connections,” ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu.
Narito ang report: newsinfo.inquirer.net/…/denr-to-shut-down-51-boracay-po…/amp

KILIG SA LIBRENG DATE - ENERGY VALENTINE'S DAY SPECIAL
Masaya ang naging karanasan ng magkasinatahan na ito sa libreng Valentine's Day ng Dreamer's Cafe at ng Energy FM.
Sila sina Maria Liza, 22 at Mark Rogie, 23.
Nabigyan sila ng libreng snack, flower, wine, at Valentine's souvenir mula sa Dreamer's Cafe.
Kinilig naman ang mga nakasaksi sa kanilang simple pero makabuluhang date kung saan nagsubuan pa sila ng cake, naghalikan at nagpalitan ng matamis na "I LOVE YOU."

VALENTINE'S DAY SA NUMANCIA PNP
Kahit nasa kasagsagan ng trabaho, ipinakita ng mga kapulisan sa Numancia municipal police station ang kanilang pagmamahal sa isat-isat sa simpleng pagbibigayan ng mga regalo at bulaklak.
Sa pamamaraang ito ay napakita ng isa't isa na ang pagdiriwang ng mga araw ng puso ay hindi lamang sa mga magkasintahan o mag-asawa kundi para rin sa lahat ng iyong kapwa.

Tuesday, February 13, 2018
TOURIST ARRIVAL SA BORACAY NAGTAAS IT 10 PORSYENTO
Nagtas it 10.04 persyento ro numero it pag-abot it mga turista sa isla it Boracay sa nauna nga buean it 2018, hara hay base sa rekord it Aklan Provincial Tourism Office.
Suno sa APTO, nagbaton ro isla it kabilugan nga 186,893 ka mga turista halin Enero 1 asta 31 it hara nga dag-on; kung siin hara hay mataas it 17,050 kumpara sa ginbaton it Boracay ko Enero 2017.
Sa kabilugan nga narekord nga turista sa nauna nga buean it hara nga dag-on, ro foreign tourists kara hay 125,910; samtang ro domestic tourists hay 55,216; ag ro Overseas Filipinos hay 5,767.
Ro nahambae nga mga turista hay nakaprodyus it total nga P5,948,343,105.60 tourism receipts; kung siin P4,962,853,459.20 kara hay halin sa foreign tourists ag Overseas Filipinos; ag ro P985,489,646.40 mat-a hay sa domestic tourists.
Samtang, ro mga Chinese ag Koreans mat-a ro nagapabilin nga may pinakakaabo nga pagbisita sa hanay it mga foreign tourist sa isla ko Enero nga may narekord nga 54,615 ag 44,458 nga pag-abot.
Kaibahan man sa top 10 foreign visitor list ro mga turista halin sa United States of America nga may 2,567 nga pag-abot; Russia 2,360; Australia 2,107; Taiwan 1,915; United Kingdom 1,820; Malaysia 1,385; Saudi Arabia 1,351; ag Canada 1,205.
Sa isaea mat-a ka press release, ro Department of Tourism-Boracay naghambae nga nagatarget it 17 ka mga international cruise ship calls ro Boracay halin Enero asta Hunyo it hara nga dag-on; nga kung siin hara hay ginatan-aw nga makadaea it kabilugan nga 58,000 ka mga turista sa isla. - PIA-Aklan

TAUMBAYAN PINAG-IINGAT NG KAPULISAN SA PAG-ATAKE NG MGA PICKPOCKETERS SA KALIBO
Muling pinaalalahanan ng mga kapulisan ang taumbayan na mag-ingat sa mga mandurukot sa loob ng mga establisyemento.
Kasunod ito ng panibagong insidente ng pandurukot sa isang misis habang nasa loob ng isang establisyemento dito sa Kalibo.
Ayon kay PO2 Erick John Delemos, imbestigador, natangay mula sa biktima ang kanyang wallet laman ang mahigit Php7,000.
Nakunan naman ng CCTV ang nasabing insidente. Pinaniniwalaang nasa apat ang mga suspek sa pagnanakaw.
Paniwala ng imbestigador, galing pa ng ibang probinsiya ang mga suspek. Posibleng anyang miyembro ang mga ito ng organisadong grupo.
Pinakakalat na ng mga kapulisan ang larawan ng mga suspek sa mga mall at iba pang establishment para balaan ang mga tao.
Paalala niya sa taumbayan na bantayang maigi ang mga dalang gamit at pera lalu na sa mga matatao at siksikang lugar.

300 MGA ESTABLISYIMENTO SA BORACAY PINASASARA NA NG DENR
Ipinasasara na ni DENR Sec. Roy Cimatu simula ngayong araw ang hindi bababa sa 300 mga establisyemento sa Boracay na hindi nakakonekta sa sewerage system.
“I have already ordered the regional director to start closing the establishments that are noncompliant. Ibig sabihin lahat ng mga establishment na hindi nag-comply kasi meron kami yung environment office namin na similar we have now here I gave them a mission to go to the resorts and see kung sino ang nakakonekta sa sewage system at kung sino ang hindi naka-comply. So effective today ipapa-close ko yun ngayon,” bahagi ng pahayag ni Cimatu.
Narito ang buong report https://news.mb.com.ph/2018

DALAWANG MANGINGISDA NA UNA NANG NAIREPORT NA NAWAWALA NATAGPUAN NG LIGTAS
Natagpuan na ngayong hapon ang dalawang mangingisda sa bayan ng Ibajay na una ng naireport na nawawala mula pa noong Linggo.
Kinumpirma ito ng Municipal Risk Reduction Management Office ng Ibajay.
Napag-alaman na napadpad ang dalawa sa tabing-dagat ng Brgy. Tagbaya at Brgy. Ondoy sa parehong bayan.
Sina Alvin Refulgente, 34-anyos at Salito Sudlon, 37, mga residente ng Brgy. San Isidro ay pumalaot hapon noong Linggo para mangisda.
Subalit naiulat na nawawala ng kanilang pamilya kahapon matapos na hindi na nakauwi ang dalawa.
Nabatid na nasira ang kanilang sinasakyang bangka habang nasa laot sa araw ding iyon nong umalis sila.
Nagpalutang-lutang umano ang dalawa sa dagat hanggang sa mapadpad sila sa tabing-dagat at tinulungan ng mga tao sa lugar at ng mga tauhan ng MDRRMO.
Isinugod ang dalawa sa ospital sa Ibajay at inoobserbahan doon pero wala umanong dapat ipag-alala dahil nasa ligtas na ang kanilang kalagayan.

BIYAHE NG MGA BANGKA SA ISLA NG BORACAY POSIBLENG ALA-6:00 NA LANG NG GABI DAHIL SA BAGYONG BASYANG
photo ctto |
Kaugnay rito naglabas ng abiso ang Caticlan Jetty Port at Philippie Coastguard na may paglimita sa biyahe ng bangka patungo at paalis mula sa isla ng Boracay.
Kapag nanatili ang signal no. 1 sa probinsiya, haggang 6pm lamang ang biyahe ng Oyster Ferry, at lahat ng mga fast craft sa baybayin ng Boracay at magsisimula ala-6:00 ng umaga.
Sinabi rin ni Jean Fontero, special operation 3 ng port, kanselado narin ang biyahe ng RoRo maliban lamang kapag may inalabas nang bagong abiso.
Muling maglalabas ng update sa takbo ng bagyo ang Pag-asa, alas-5:00 ngayong hapon.
Para sa mga katanungan o paglilinaw, ang numero ng Caticlan Jetty Port 288-7562 o 118.
PAGPAPASARA NG BORACAY, IKINA-ALARMA; BUSINESS COMMUNITY, NANAWAGAN NG PAGTUTULUNGAN MULA SA MGA KAPWA STAKEHOLDERS
Basahin ang naging panawagan ng Boracay Foundation Incorporated matapos maglabas ng pahayag si Pres. Rodrigo Duterte na plano niyang ipasara ang tanyag na isla:
In light of the consecutive negative publication and press releases on Boracay Island, and the statement of our highly-esteemed President Rodrigo Roa Duterte, we at the Boracay Foundation Incorporated (BFI) – the island’s biggest business organization, in existence for more than twenty years, welcome the six month ultimatum given by the President to the agencies and departments concerned to address the issues of Boracay. For the duration of our existence the BFI has been focused on initiatives such as coastal resource management to preserve and restore the island. With the rapid growth of tourism, the island’s problems have been mounting up.
It has long been the plea of the business sector through the BFI that Boracay be given the attention it so rightfully deserves, being the country’s premier tourist destination, generating 56 billion Pesos in tourism receipts, providing livelihood and jobs to Filipinos from all over the country. We have continuously expressed our frustration and dismay over the lack of attention given by the National Government and other offices concerned to the island of Boracay. Now that Malacañang is keen on fixing Boracay, we are hopeful that Boracay’s issues may finally be addressed as agencies and departments concerned will be pressured to urgently fix the island’s problems.
BFI is however deeply alarmed about the President’s statement that he will “CLOSE BORACAY”. We believe this statement stems from misinformation and unverified data presented to the President. While indeed there are many violators, most of the island’s business establishments are strictly in compliance with prevailing ordinances and regulations. BFI sees it unjust to close the entire island at the expense of the compliant establishments.
The BFI believes that the solution is quite simple: to strictly implement existing environmental laws and local ordinances and close all erring establishments immediately. To close the island would be an easy way out and too much to bear for the residents who depend on the island’s tourism for their livelihood. Now that Boracay is in the limelight, the BFI commits to collaborate with agencies concerned to address the issues faced, by implementing real solutions to the problems.
The BFI calls upon its members to strictly comply and follow the necessary policies to be implemented. Let us work on fixing Boracay, while maintaining open lines of communication, transparency, and consultation with the local community on the ground. We can help restore Boracay - but its restoration cannot happen overnight and on its own. We need everyone to set aside their personal interests and together make this happen for the future generations. THE BFI REMAINS STEADFAST IN ITS COMMITMENT TO PRESERVE AND RESTORE BORACAY ISLAND.

PAHAYAG NI PRES. DUTERTE NA LINISIN ANG BORACAY SUPORTADO NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG AKLAN
Tanggap at suportado ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang Boracay sa loob ng anim na buwan.
Sa regular sesyon, napagkasunduan ng Sanggunian na magpasa ng resolusyon upang ipahayag ang suporta sa pangulo.
Matatandaan na nagbanta ang pangulo na kung hindi malulutas ang problema sa basura at dumi sa Boracay sa ibinigay na palugit ay ipapasara niya ito.
Paliwanag ni Vice Governor Reynaldo Quimpo, kailangang tanggapin ng lokal na pamahalaan at ng mga mamamayan ang realidad.
Mungkahi ni SP member Harry Sucgang ay magsagawa sila ng imbestigasyon upang mapatunayan ang pahayag ng Pangulo na 'tapunan' ng basura ang Boracay.
Gayunman sinabi ng bise gobernador na hindi na anya kailangan ang imbestigasyon dahil matagal nang hayag ang problema sa isla.
Giit niya, ang kailangan nilang gawin ay makiisa sa plano ng pamahalaang nasyonal na malutas ang problema sa basara at dumi sa Boracay.
Naniniwala ang ibang miyembro na ang pahayag ng pangulo ay nagpapakita lamang na minamadali niya ang paglutas sa problema.

Monday, February 12, 2018
MGA RESIDENTE NG BORACAY DISMAYADO SA BANSAG NA 'TAPUNAN' SILA NG BASURA
Handang tumulong ang mga residente, maging ang mga negosyante sa Boracay sa paglilinis ng isla sa loob ng anim na buwang palugit na ipinataw ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ngunit ikinadismaya naman ng marami ang pagtawag ng pangulo sa kanilang isla bilang isang ‘cesspool’ o tapunan ng basura.
Posible umanong ‘misinformed’ ang pangulo sa nature at lala ng problemang nararansan sa lugar.
Ikinabahala rin ng mga negosyante sa Boracay ang banta ng pangulo na ipapasara ang isla kung mananatili itong marumi.
Ayon sa mga negosyante, maraming manggagawa ang mawawalan ng ikabubuhay kung ipapasara ng pangulo ang Boracay.
Maging ang mga pamilya nila ay mawawalan rin ng mapagkakakitaan kung sakali.
Malugod namang tinanggap ng mga residente ang palugit ng pangulo.
Ayon sa ilan, ang panakot ng pangulo ay ang maghuhudyat para kumilos na ang lokal na pamahalaan upang solusyonan ang problema ng Boracay sa basura.
Ayon sa isang negosyante, hindi kasi sapat ang suporta ng pamahalaan sa Boracay kaya lumala ang problema sa basura ng lugar.
Ayon dito, mahigit 10 taon na ngunit hindi pa rin natatapos ang pagsasaayos ng drainage system ng isla. - Radyo Inquirer

KOREAN NATIONAL ARESTADO MATAPOS MANGHIPO SA ISANG BABAENG NAKAHIGA SA BEACH NG BORACAY
Arestado ang isang Korean National sa isla ng Boracay makaraang ireklamo siya ng panghihipo at pananakit sa isang babae.
Kinilala sa report ng Boracay Tourist Assistance Center ang suspek na si Ohjaeh O, 32-anyos.
Kinilala naman ang biktima na si Arailyn Amangeldi, 25, Kazakhstan National.
Napag-alaman na nagrerelax ang biktima habang nakahiga sa front beach sa Station 2 nang maganap ang insidente.
Salaysay ng biktima sa kapulisan, nilapitan siya ng suspek at hinipuan umano sa masilang bahagi ng katawan.
Sa gulat ng biktima sinipa at sinuntok niya ang suspek pero gumanti ito at binugbog ang biktima.
Nagtamo ng malubhang sugat sa bibig ang biktima samantalang naaresto naman ng mga tao ang suspek.
Nakakulong na ngayon ang Korean National sa BTAC at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

MOTORISTA PATAY MATAPOS BUMANGGA SA PUNO NG KAHOY SA MABILO KALIBO
Patay ang isang babaeng motorista matapos bumangga sa puno ng gemelina sa Mabilo Kalibo.
Kinilala ang biktima sa pangalang Edgyl Villaruel Valencia, 25 anyos na taga-So. Eook, Mabilo, New Washington, Aklan. Naganap ang aksidente pasado alas-12:00 na ng gabi.
Matapos bumangga sa puno, isang lalaki na nakamotorsiklo ang nakapansin sa pangyayari kaya agad nitong tinulungan ang biktima. Iniangkas niya ito sa motorsiklo para isugod sa pinakamalapit na hospital.
Habang patungong hospital, nawalan raw ng malay ang nakaangkas na biktima kaya muling natumba ang motorsiklo.
Dahil malapit sa Caano Elementary School at maraming tao sa lugar agad tinulungan ang dalawa at naisugod agad sa St. Gabriel Hospital kung saan binawian ng buhay si Edgyl Valencia habang ginagamot.
Napag-alaman ng news team mula sa kaibigan ng biktima na ngayong araw ang birthday nito kaya labis silang nalulungkot sa pangyayari.