▼
Wednesday, December 19, 2018
Limang bayan sa Aklan balak isailalim sa State of Calamity dahil sa kawalan ng suplay ng tubig sa palayan
ISINUSULONG NGAYON sa Sangguniang Panlalawigan ang pagsasailalim ng limang bayan sa Aklan sa State of Calamity dahil sa kawalan ng suplay ng tubig sa palayan.
Ang mga bayan ito ay ang Banga, Kalibo, New Washington, Makato at Lezo.
Kasunod ito ng resolution no. 1 series of 2018 na ipinasa ng System Management Committee ng Irrigators' Association sa Aklan.
Ipinadala nila sa Executive Branch ng gobyerno probinsyal ang naturang resolusyon pero inirefer muna ito sa pag-apruba ng Sanggunian.
Ang kawalan ng suplay ng tubig na nararanasan ngayon sa mga nabanggit na bayan ay epekto umano ng pagsasara ng National Irrigation System dahil sa konstruksyon ng dam.
Katuwiran nila sa kanilang resolusyon na nakakaranas na umano ng slight El NiƱo ang mga nabanggit na bayan.
Hindi pa umano nakapagtatanim ng palay ang mga magsasaka. Wala parin umano silang natatanggap na mga binhi na pwede sa tagtuyot na ipinangakong tulong ng gobyerno.
Kailangan umano ang pagsasailalim sa state of calamity sa mga nasabing bayan para magamit umano ang 30 porsyento pondo para sa panahon ng sakuna.
Mababatid na isinara ng NIA ang irrigation system sa West at East side ng probinsiya simula Oktobre para sa konstruksyon ng dam. Aabutin pa umano ito ng anim na buwan.
Pabor naman si Board Member Soviet Dela Cruz, committee chair on agriculture, para dito.
Gayunman ayon kay Board Member Jay Tejada nangangailangan pa umano ng endorsements ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.
Sasailalim pa sa pag-aaral ng Sanggunian ang kahilingang ito ng mga irrigators.##
No comments:
Post a Comment