Friday, January 20, 2017

3 BAHAY SA ISLA NG BORACAY NASUNOG!

 Ulat ni Archie Guray Hilario, EnergyFm107.7 Kalibo

filler only
Tinupok ng apoy ang dalawang bahay samantalang partially burned naman ang isa pa sa nangyraing sunog sa Sitio Hagdan, Brgy Yapak sa isla ng Boracay, Miyerkules dakong alas-7:00 ng gabi.

Sa report ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) nagmula ang apoy sa tahanan ni Jonelyn Delos Reyes, at tumawid sa dalawa pang bahay na pagmamay-ari ng mga magkakapatid na sina Joralyn Esto at Anecito Delos Reyes Jr.

Agad namang rumesponde ang mga bombero sa lugar at banda alas-8:10 na ng gabi nang idiklarang naapula ang apoy

Ang mga bahay nina Jonelyn at Anecito ay totally damaged, pagdeklara ng imbestigador.

Sa inisyal na report, nasa P700,000 ang tinatayang pinsala ng nasabing sunog.


Matatandaan na noong Lunes, may nangyari ring sunog sa So. Tulubhan, Brgy. Manocmanoc sa nasabing kung saan apektado rito ang isang apartment, isang bahay at isang bodega. Tinatayang nasa P600,000 naman ang pinsala ng nasabing sunog.

Inaalam pa ngayon ng BFP-Boracay ang mga dahilan ng parehong sunog.

LGU MALAY HINILING SA KAPITOLYO ANG PAG-TURN OVER NG BORACAY ROAD

main road Brgy. Balabag by Darwin Tapayan
Hinihintay nalang ngayon ng lokal na pamahalaan ng Malay ang sagot ng provincial government kaugnay ng kanilang hiling na ibigay sa kanila ang pamamahala sa circumferential road ng Boracay.

Ayon sa may akda ng resolusyon na si Sangguniang Bayan member Floribar Bautista, kayang-kaya umanong pamahalaan ng Malay ang nasabing kalsada.

Paliwanag ng lokal na mambabatas, ang pagkakaroon anya ng total control and management sa circumferential road ay magbibigay-daan sa kanila upang matugunan ang suliranin sa trapiko sa Boracay.

Ang panukalang ito ay sinang-ayunan naman ng lahat ng konsehal.

Saklaw ng Boracay circumferential road ang mga kalsada sa mga barangay Yapak, Balabag at mga sitio Cagban at Tambisaan sa Brgy. Manocmanoc.

Wednesday, January 18, 2017

ASIA’S FIRST GRANDMASTER TORRE NAGPAKITANG GILAS SA MGA ATLETANG AKLANON

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

1st day of the tournament. By Darwin Tapayan
Nagpakitang gilas sa mga atletang Aklanon ang kinikilalang Asia’s First Grand Master sa larangan ng chess Eugene Torre sa isang mall dito sa bayan ng Kalibo araw ng Martes. Siya ay sumabak sa 10-chess board simultaneous exhibition bilang bahagi ng 7th Peter I. Kimpo Memorial Chess Tournament.

Si Torre ay narito sa Kalibo upang saksihan ang tatlong araw na National Open Chess Tournament Championship at National Age Group Chess Championship mula Miyerkules hanggang Biyernes.

Ang larong ito ay nilahukan ng mga atleta mula sa iba-ibang bahagi ng bansa.

Sa kanyang mensahe sa pagsisimula ng tournament, sinabi ni Torre sa mga batang atleta na maging positibo sa paglalaro ng chess at sa buhay.

Samantala, ayon kay Kalibo Sangguniang Bayan member Philip Kimpo Jr., maliban sa turismo, edukasyon at iba pang bagay ay isinusulong rin anya nila ang “sports tourism” sa lalawigan.

Sinabi pa ng lokal na mambabatas  na ang Kimpo Chess Tournament ay isa nang national event na kinikilala ng National Chess Federation of the Philippines. Dahil anya rito mas marami pa ang bibisita sa lalawigan na malaking bagay upang mapalago ang lokal na ekononimiya.

Si SB Kimpo ay pamangkin ni Peter Kimpo, isang mahusay na manlalaro at mentor ng mga kabataan sa chess.

MANDATORY DRUG TEST SA MGA TRABAHANTE SA BORACAY ISINUSULONG

by Darwin Tapayan
Isinusulong ngayon ng Sangguniang Bayan ng Malay ang resolusyon  na kinakailangang isailalim sa mandatory drug test ang mga manggagawa sa Isla ng Boracay.

Ayon kay SB Member Dante Pagsugiron, may akda ng nasabing panukalang batas, ito ay follow up sa mandatory drug testing sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng Malay
na una na ngang naaprubahan sa konseho.

Ang resolusyon ay inirefer sa Committee on Rules at Committee on Tourism para sa pagbusisi sa 3rd regular SB session araw ng Martes.


Samantala, umangal naman ang ilang mga trabahante sa isla kaugnay ng nasabing resolusyon, sinasabing dagdag gastusin lamang ito para sa kanila.

UNANG MALAWAKANG SCREENING PARA SA MGA ELECTIVE MEDICAL CASES VICTIMS SA AKLAN NAGSIMULA NA NGAYONG ARAW

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Screening in Boracay by Darwin Tapayan
Nagsimula na ang unang malawakang screening para sa mga elective medical cases victim sa lalawigan ng Aklan.

Ayon kay George Imperial Jr. ng Mabuhay Deseret Foundation, ang elective medical cases ay mga kasong hindi agad nangangailangan ng paggamot at hindi nakakamatay. Gayunman ipinaliwanag niya na ang mga kasong ito ay nagdudulot ng discrimination sa kanila.

Sinabi pa niya na ito ang dahilan kung bakit hindi ito gaanong natutukan ng pamahalaan.
Kabilang anya sa mga kasong ito ang duling, bingot, may katarata, may glukoma, pagkaputol ng paa, clubfoot at iba pa.

Sinabi niya na ang karamihan sa mga biktimang ito ang hindi nakakapagtapos ng pag-aaral at nakakapagtrabaho dulot ng kanilang kapansanan.

Sa pakikipagtulungan sa pamahalaang lokal ng Aklan at iba pang organisasyon, ang screening ay  unang isinasagawa sa Boracay araw ng Martes.

Sa Miyerkules ay sa bayan ng Malay, sa Huwebes sa Buruanga, Biyernes sa Lezo, at Sabado sa Tangalan.

Ang makakapasa sa screening ay ipapadala sa mga prominenteng hospital sa Cebu at Manila.

Ang Deseret Foundation ay itinatag noong 1988 para sa layuning makatulong sa mga mahihirap na nakakaranas ng kasong ito.

ZERO MAJOR INCIDENT SA ATI-ATIHAN – APPO

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Walang anumang malalaking kaso ng insidente ang naitala sa Ati-atihan.

Ati-atihan 2017 by Darwin Tapayan
Ayon kay Aklan Provincial Police Office chief public information officer Nida Gregas, ginamit umano nila ang innovative strategy para masiguro ang seguridad at kaligtasan sa pagdiriwang ng Ati-atihan ngayong taon.

Nakipagtulungan ang mga kapulisan mula sa Regional Public Safety Battalion 6 at ang mga provincial offices ng Capiz, Iloilo at Antique para sa pagdiriwang na ito.

Nagpasalamat siya sa mga Philippine army, mga tanod, coastguard, at iba pang law enforcers.

Pinasalamatan rin niya ang mga katuwang nila sa emergency response kabilang na ang provincial at municipal disaster risk reduction ang management offices, Provincial Health Office, mga pribado at pampublikong hospital at Red Cross.

Malaki rin anya ang naging responsibilidad ng media sa pagbibigay impormasyon sa taumbayan kaugnay ng mga ipinapatupad nilang mga batas kaugnay ng pagdiriwang. Kabilang dito ang pagbabawal ng bagpack, pagbibitbit ng babasaging bote, mga patalim, at pagbibitbit ng baril.

Tuesday, January 17, 2017

SADSAD 2017 WINNERS:

Black Beauty Boys
Mga Kasimanwa ito po ang mga nanalo sa Sadsad Contest sa Kalibo Ati-atihan Festival base po sa opisyal na resulta na inilabas ng Kasafi:

TRIBAL BIG GROUPS
-Black Beauty Boys (Linabuan, Kalibo) – champion (7 year straight) - P180,000
-Vikings (Barangay Dumga, Makato) - second - P100,000
-Kabog (Barangay Estancia, Kalibo) - third place - P60,000
Consolation P20,000 each
-Maharlika of Dumga, Makato
-Pangawasan of Cayangwan, Makato
-Tribu Tiis-Tiis of New Buswang, Kalibo.

TRIBAL SMALL GROUP
-Tribu Alibangbang – Linabuan Norte, Kalibo - champion and got P80,000
-Tribu Bukid Tigayon (Last year’s champion) - second place - P50,000
-Tribu Responde (New Buswang, Kalibo) - third place - P40,000
Consolation prize - P10,000 each
-Tribu Ninolitos of Tigayon, Kalibo
-Lezo Tribe of Ibao, Lezo
-Tribu Tikbalang of Manhanip, Malinao

MODERN GROUP
-Royal Scorpio – first place, P70,000
-Aeang-Aeang – second place, P30,000
-Pirates 1962 – third place, P20,000
-Pagmukeat and D’Emagine - consolation prize, P10,000 each
-Road Side, Lagalag 27 Original, Gala Drumbeat, and Bae-ot Bae-ot – other participants, P5,000 each

BALIK ATI
-Tribu Ilayanhon mga Inapo ni General Candido Iban – first, P70,000
-Apo ni Inday – second, P30,000
-Malipayong Ati – third, P20,000
-Kinantuing, Maninikop and Sinikway nga Ati – consolation prize, P10,000
-Anono-o Group – other participant, P5,000

ORIGINAL ATI (INDIVIDUAL)
Enigmatic Verushka, La Negra Picca and Balik Ati – P3,000 each

MODERN TRIBAL (INDIVIDUAL)
Mangwayen, Pantastika and Immortal – P3,000 each

Congratulations!

20 ANYOS NA LALAKI NAAKSIDENTE SA BAGONG KALIBO-NUMANCIA BRIDGE

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Nagtamo ng sugat sa mukha at sa iba pang bahagi ng katawan ang isang 20 anyos na motorista makaraang bumangga ang menamanehong motorsiklo sa tricycle sa bagong Numancia-Kalibo bridge Biyernes ng gabi.

Kinilala ang nasabing lalaki na si Philip Delfin y Tipay, residente ng Brgy. Navitas, Numancia.

Ayon sa biktima papauwi na umano siya galing ng Kalibo pasado alas-6:00 ng gabi nang aksidenteng bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa tricycle.

Paliwanag ng biktima, bigla nalang umanong huminto ang tricycle sa kanyang unahan at dahil sa pababa ang dulo ng tulay sa Brgy. Bulwang, Numancia ay hindi agad niya nakontrol ang kanyang motorsiklo. Dito bumangga ang biktima at natumba sa konkretong daanan.

Napag-alaman na nakainom rin ang lalaki.

Agad naman siyang sinaklolohan ng mga tao sa lugar at isinugod sa provincial hospital.

Hanggang ngayon ay nagpapagaling pa ang lalaki sa nasabing pagamutan.

Nabatid na madilim ang lugar lalu at wala pang mga nailagay na ilaw sa bagong tulay. Una nang nangako ang DPWH Aklan na lalagyan nila ito pagkatapos ng Ati-atihan.

'PANGALAGAAN AT PROTEKTAHAN ANG MGA ATI’ – PANAWAGAN NG DIOCESE OF KALIBO

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

“Pangalagaan at protektahan ang mga ati.”

Kalibo Cathedral by Darwin Tapayan
Ito ang panawagan ni Bishop Jose Corazon Tala-oc ng Diocese of Kalibo sa pamahalaan at taumbayan sa kanyang homiliya sa pilgrim mass Linggo ng umaga kaugnay ng sanglinggong pagdiriwang ng Kalibo Sto. NiƱo Ati-atihan festival.

Binanggit pa ng obispo ang bahagi sa Aklan hymn kung saan sinasabing ‘[Ikaw Aklan…] may ati ka, bantog sa kalibutan’. Pero basi sa kanya, tila napapabayaan na lamang ang mga ati.

Inihalimabawa pa niya ang sitwasyon ng mga ati sa Boracay kung saan nahihirapan umano sila sa sarili nilang lugar. Paliwanag pa ni Tala-oc na posible anya na walang Ati-atihan ngayon kung wala sila.

Ang mga ati ang unang naninirahan sa isla at kalaunan ay ginawaran ng pamahalaan ng sariling lugar para sa kanila, pero sa kabila nito ay nakakaranas parin ng mga banta sa pagnanais na makuha ang kanilang teritoryo.

Samantala, nanawagan rin siya sa mga debotong Katoliko na maging mapagpakumbaba, at maging simple kagaya ng sanggol na Jesus.

Ang misang ito sa harapan ng St. John the Baptist Cathedral ay dinaluhan ng libu-libong mga deboto at mga panauhin.

30 TRIBU AT GRUPO HUMATAW SA ATI-ATIHAN SA KABILA NG ULAN

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Black Beauty Boys
Hindi nagpapigil sa paghataw ang 30 tribu at grupo na kalahok sa Ati-atihan contest sa unang araw ng judging sa kabila ng walang humpay na pagbuhos ng ulan Sabado ng umaga.

Hindi rin magkamayaw ang mga lokal at mga foreign tourist sa panunuod ng makukulay na costume ng mga kalahok at masisigla nilang sadsad.

Ang mga kalahok sa tribal small tribe ay ang Tribu Ninolitos, Tribu Bukid Tigayon, Lezo Tribe, Tribu Alibangbang, Tribu Tikbalang at Tribu Responde.

Humataw naman sa big tribal category ang Vikings, Maharlika, D'Kamanggahan, Pangawasan Tribe, Tribu Timawa, Kabog, Tribu Tiis-tiis, at anim na taong sunod na panalo na Black Beauty Boys.

Sa modern group naman ay hataw rin ang Gala Drumbeat, Scorpio, Road Side, Lagalag 27 Original, Pagmukeay, Pirates 1962, Bae-ot Bae-ot, D'Emagine, Aeang-aeang.

Sa balik category naman ay humataw rin ang Tribu ni Inday, Sinikway nga Ati, Ano-noo Group, Maninikop, Kinantuing, Malipayong Ati, at Tribu Ilayanhon.

I-aanunsyo ang mga panalo sa Magsaysay Park Linggo ng gabi.

PUNONG BARANGAY SA NUMANCIA, AKLAN ARESTADO SA PAGMAMALTRATO NG BATA

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Arestado ang punong barangay ng Brgy. Laguinbanwa West, Numancia sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 two counts o Child Abuse Law.

Ang nasabing arestado ang kinilalang si Alvin Nabor y de Miguel, 43 anyos.

Ang warrant of arrest ang isinirbi ng Criminal Investigation Detection Group (CIDG), Numancia Municipal Police Station, Aklan Tracker Team ala-1:30 ng hapon ng Lunes sa kanyang residensya.

Ang warrant of arrest ay inilabas ni Bienvinido Barrios ng Regional Trial Court Branch 3.

Ayon kay PO2 Felizardo Navarra Jr. ng Numancia PNP, pansamantalang nakalaya ang punong barangay makaraang nakapaghain ng piyensya na tig-P80,000 bawat isa.


MOTORSIKLO SUMALPOK SA MULTICAB; 1 PATAY, 1 MALUBHA

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Patay ang isang 15-anyos na drayber ng motorsiklo makaraang sumalpok ang menamanehong sasakyan sa isang nakaparkeng multicab sa Brgy. Laguinbanwa West, Numancia, Linggo ng gabi samantalang malubha naman ang kalagayan ng isa niyang angkas.

Kinilala ang namatay na si Joshua Vega at ang angkas na si Marnel Nicodemus, 18 anyos, pawang mga residente ng Camansi Sur, Numancia.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-10:20 ng gabi nang sumalpok ang kanila
ng sinasakyang motorsiklo sa multicab na nakaparke sa highway. Galing umano sa bayan ng Kalibo ang mga biktima at may susunduin sana sa nabanggit na lugar.

Agad na isinugod ang drayber sa isang pribadong hospital makaraang magtamo ng malubhang sugat sa leeg, likod, dibdib, at iba pang bahagi ng katawan gayunman ay binawian rin ng buhay kinabukasan. Ayon sa kanyang tiyo na si SB Jerome Vega, namatay dakong 10:30 ng umaga.

Samantala, naka-confine parin sa surgical intensive care unit ng provincial hospital ang angkas makaraang nagtamo ng pagkabali sa kaliwang paa, ulo at iba pang bahagi ng katawan.