Monday, September 04, 2017

‘DI WASTONG’ LYRICS SA AKLAN HYMN PINUNA SA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Pinuna ng miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang umano’y hindi wastong lyrics sa Aklan hymn sa sesyon ng Sanggunian ngayon araw.

Partikular na pinuna ni SP member Harry Sucgang ang linyang “May ati ka, bantog sa kalibutan / Ag kulturang ginapabugae, eabi sa tanan.” (May ati ka, tanyag sa mundo / At kulturang ipinagmamalaki, higit sa lahat). 

Ani Sucgang, kung tutuusin ay hindi ati ang sikat sa mundo kundi ang “ati-atihan”, isang taunang selebrasyon sa Kalibo at sa iba pang bayan sa probinsiya. 

Binigyang diin pa ng opisyal na sa halip na ipinagmamalaki ay dini-discriminate pa nga ang mga Ati sa probinsiya na katunayan ay mga unang naninirahan sa Aklan.

Nais ipa-summon ni Sucgang ang may akda ng awit upang pagpaliwanagin sa partikular na linya. Sinabi naman ni vice governor Reynaldo Quimpo na kailangang maghain muna siya ng amendatory ordinance.

Walang pang pahayag si Sucgang kung maghahain ito ng ordinansa upang amyendahan ang “Among Akean” na sinulat ni Dr. Jesse Gomez.

Ang “Among Akean” ay dineklarang opisyal na provincial hymn base sa provincial ordinance no. 2010-005.

No comments:

Post a Comment